Mamamayang Filipino, Lubhang apektado na sa pagtaas ng Inflation at paghina ng Piso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,179 total views

Labis ng apektado ang mga mahihirap na mamamayan at manggagawa sa patuloy na pagtaas ng Inflation Rate sa bansa at paghina ng halaga ng Piso.

Ito ang inihayag ni Leody De Guzman, Pangulo ng Bukluran ng Manggawang Pilipino kaugnay sa kalagayan ng Ekonomiya ng Bansa.

Ayon kay De Guzman, bumababa ang Purchasing Power ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin na karaniwang kinokonsumo ng Ordinaryong mamamayan.

“Ang immediate impact niyan ay yung pagbaba ng purchasing power nung ating suweldo ibig sabihin mas kakaunti na ang mabibili ng ating manggagawa.” pahayag ni De Guzman sa Radio Veritas.

Nakadagdag din sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang balak ng pamahalaan na umutang sa ibang Bansa upang tustusan ang Build Build Build Program na tinatayang nagkakahalaga ng halos 8 – trilyong piso.

Sinabi ni De Guzman na malalaking Korporasyon ang higit na makikinabang sa pagpapatupad ng Build Build Build Program ng pamahalaan dahil sa kaginhawaan ng pagdadala ng kanilang mga kalakal sa bansa ngunit mataas ang presyo na hindi nakatutulong sa mamamayan.

Naninindigan ang BMP na ang mga ordinaryong Pilipino ang papasan sa uutanging pera ng Pilipinas para pondohan ang mga Proyektong pang-imprastraktura ng Administrasyong Duterte sa pamamagitan ng mataas na buwis.

“Siyempre nadadagdagan yung bilang nang may trabaho pero in the long run ay talo yung mga manggagawa pati sambayanang Filipino dahil utang yan in the long run yan magiging bayarin nang mga mamamayan, yung ating yaman sa halip na pakinabangan nating mga Filipino ay ipambabayad doon sa utang na napakataas nung interest.” dagdag pa ni De Guzman.

Naunang nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo,chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa pamahalaan na dapat malaman ng taumbayan ang panggagalingan ng perang gagastusin sa Build Build Build Program.

Read: Numero, hindi sapat na basehan sa paglago ng ekonomiya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 67,255 total views

 67,255 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 89,365 total views

 89,365 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 164,878 total views

 164,878 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 163,968 total views

 163,968 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top