342 total views
Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria.
Sinabi sa Radio Veritas ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles na mahalagang magkaisa ang mananampalataya sa pananalangin at humingi ng paggabay sa Mahal na Birhen tungo sa Diyos lalo ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo.
“I am very pleased to invite all of you to join us, let us be one in making this prayer, this act of national consecration of our country to the Immaculate Heart of Mary on June 12,’ pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.
Magugunitang 2013 nang simulan ng CBCP ang siyam na taong paghahanda sa 500 Years of Christianity kung saan kabilang na rito ang pagtatalaga ng bansa sa Mahal na Birhen tuwing kapistahan ng Kalinis-linisang puso ni Maria sa buwan ng Hunyo.
Binigyang diin ni Archbishop Valles na malaki ang ambag ng Mahal na Ina sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mga Filipino sa mga nakalipas na taon.
“We know that our people have been strengthen in their faith in the past 500 years through our deep devotion and love to the Blessed Mother that is why we are known as Pueblo Amante de Maria,” ani ng arsobispo.
Magandang pagkakataon din ang pagtatalaga ngayong taon sapagkat ipagdiriwang ng bansa ang ika – 123 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12, 2021.
Bukod pa rito ang pagdiriwang ng bansa sa ika – 500 taong Victory at Mactan kasabay ng pagdating ng pananampalatayang kristiyano sa Cebu noong 1521.
“Also, that on June 12 is a celebration of our nations Independence Day, this truly add meaning to our act of consecration of our country to the Blessed Mother, to Mama Mary,” giit ni Archbishop Valles.
Pangungunahan ni Archbishop Valles ang pagtatalaga ng bansa sa Mahal na Birhen mula sa San Pedro Cathedral sa Davao City ganap na alas 9:45 ng umaga na matutunghayan sa DXGN Spirit FM – Davao social media page at social media pages ng mga diyosesis at arkidiyosesis.
alas 10 ng umaga isang misa naman ang ipagdiriwang sa National Shrine of the Our Lady of Fatima sa Valenzuela City na pangungunahan ni Fr. Elmer Ignacio, ang Rector at Parish Priest ng dambana.
Sa hapon ay hinikayat ng CBCP ang mga simbahan sa bansa na magdiriwang ng Banal na Misa at isasagawa ang dicoesan consecration pagkatapos ng komunyon.
Una nang naglabas ng kopya ng panalangin ang CBCP para sa national consecration sa June 12.