171 total views
- Kahalagahan ng pagsasagawa ng pilgrimage ngayong panahon ng kuwaresma ang ipinapakita ng 1st Veritas lenten exhibit sa Lucky China town, Binondo,Manila na pormal na binuksan sa publiko noong ika-18 ng Marso, 2017.
Ibinahagi ni Father Roy Bellen-Vice President for Operation ng Radio Veritas ang tatlong mahahalagang daan patungo sa pagiging mapalad.
“First follow the way of the saint, second follow the way Mary and last follow the way of the cross.”pahayag ni Father Bellen
Ayon kay Father Bellen, unang paalala ng exhibit ang pagtahak sa daan ng mga santo sa kanilang kabanalan, pangalawa ang daan ng mahal na birheng Maria na pinagpala sa lahat at ikatlo ang daan ng krus ni Hesus patungo sa buhay ng kabanalan at buhay.
“Ngayon pong mahal na araw ay maganda na tayo ay magnilay at magkaroon ng pilgrimage. Ngayong lent ay maganda po na tayo ay dumalaw dito at ating makita at sino ba ang mga taong sumunod kay Hesus noong panahon ng kanyang pagpapasakit. Ito po ay Lucky China town at sa kristiyanong terms pinagpala, we are blessed, we are lucky.Dito po sa exhibit, yun pong mga tao na sumunod kay Hesus, yung apostol, even yung mga disipulo ay nandito po, may relic ditto. Maganda po na tayo rin ay maging inspried sa mga taong ito inspite of pain, inspite of sufferings once in a while, inspite of trials still we can consider ourselves blessed dahil tayo ay sumusunod sa daan ng krus, sa daan po ng kaligtasan.”paanyaya ni Father Bellen
Inihayag ng pari na mahalaga sa spiritual journey ng mga Katoliko na sa gitna ng sitwasyon ng ating lipunan ay maging inspirasyon natin ang naging buhay ng mga santo at mga imahen na makikita sa exhibit ng Radio Veritas.
Ang exhibit ng Radio Veritas ay magtatagal hanggang ika-2 ng Abril sa Annex B, Lucky Chinatown mall, Binondo Manila na nagsimula noong ika-18 ng Marso, 2017.