Manggagawa, talo sa “the end” ng ENDO.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,329 total reads

Hindi pa rin mapapaunlad ng nilagdaang Department Order 174 ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang buhay ng mga manggagawa.

Ito ang paninindigan ni Mr. Alan Tanusay – Advocacy and Policy Officer ng Associated Labor Union – Trade Union Congress Philippines at Spokesperson ng NAGKAISA Labor Coalition sa nilalaman ng nilagdaang DO-174 ng Kalihim na nagbabawal sa labor contracting at subcontracting o ENDO.

Giit ni Tanusay, tanging ang mga man-power service provider at man-power cooperative lamang ang makikinabang sa naturang polisiya na magpapahintulot sa patuloy na uri ng contractual walk ng mga manggagawa dahilan upang manatiling lugmok sa kahirapan ang mga manggagawa.

“Pinili ni Secretary Bello na i-interpret yung batas in favor of the capitalist, pabor sa mga man-power service providers at mga man-power cooperative, ito pong Department Order 174 ay magti-trigger po ito ng raise to the bottom para sa mga manggagawa, oo nga at ina-address nito yung ENDO, ina-address nito yung 555 ngunit ina-allow naman nito yung contractual walk sa pamamagitan ng man-power service provider at man-power cooperative na lalong magpapasadlak sa kahirapan ng contractual workers”.pahayag ni Tanusay sa panayam sa Radio Veritas.

Giit ni Tanusay, maituturing na Win-Win Solution ang naturang polisiya para sa mga employers at mga man-power service providers habang nananatiling talo at kaawa-awa ang sitwasyon ng mga manggagawa na tanging matatali lamang sa mga contractor na nagsisilbing middle-man ng mga employer at mga manggagawa.

“Win-Win Solution para sa mga employers at mga man-power service providers pero Lose-Lose po rito ang mga manggagawa dahil nakatali sila doon sa contractor, doon sa middle-man, doon sa mga kooperatiba…” Dagdag pa ni Mr. Alan Tanusay.

Paliwanag ni Tanusay, binibigyan laya lamang ng DO-174 ang mga kumpanya at employer na makatipid sa labor cost sa pamamagitan ng pagpapasa ng kanilang responsibilidad sa mga labor agency at mga kooperatiba.

Sa Social Doctrine of the Church bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, subalit kailangan ang kitang ito ay nakakamit nang hindi nabibigatan at ganap na naibabahagi sa mga kawani ang kanilang mga pinaghirapan.

Ayon nga kay Pope Francis, isa sa pangunahing karapatan ng isang tao sa lipunan ang pagkakaroon ng isang marangal na trabaho na may karampatan sahod at benepisyo para sa kanilang paggawa upang maitaguyod ang kanilang pamilaya.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine Association of Legitimate Service Contractors, Inc. o (PALSCON), nasa 850,000 na ang mga manggagawang kontraktwal sa buong bansa noong taong 2016.(Reyn Letran/Newsteam)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,751 total reads

 67,751 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,452 total reads

 146,452 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,899 total reads

 179,899 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,196 total reads

 215,196 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,943 total reads

 438,943 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top