Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 456 total views

Mga Kapanalig, hindi katulad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, tila mas malapít ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr sa Amerika kaysa sa China. Patunay nito ang ginawang expansion ng kasalukuyang administrasyon sa  Enhanced Defense Cooperation Agreement (o EDCA) sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga pasilidad na maaaring ipagamit sa Amerika. 

Pinirmahan noong 2014, ang EDCA ay isang kasunduan sa pagitan ng mga pamahalaang Pilipinas at Amerika na layong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pag-e-estasyon dito sa atin ng mga military troops at operations ng Estados Unidos. Mahalaga raw ito upang tugunan ang mga banta sa seguridad sa bahaging ito ng Asya. Mula noon, may limang EDCA sites ang pinagagamit sa Amerika—sa Palawan, Pampanga, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, at Cebu.  

At ngayon nga, inaprubahan ni Pangulong BBM ang pagdadagdag ng apat pang lokasyon: sa Naval Base Camilo Osias at Lal-lo Airport sa Cagayan, Camp Melchor Dela Cruz sa Isabela, at Balabac Island sa Palawan. Sa isang panayam, sinabi ng pangulong napili ang mga lugar na ito upang depensahan ang silangang bahagi ng ating bansa at ang tinatawag na continental shelf ng Pilipinas. Makatutulong din daw ang karagdagang EDCA sites sa paghahatid ng tulong sa panahon ng mga kalamidad.1 Para naman kay Defense Secretary Carlito Galvez, Jr, maaari ding makahikayat ang EDCA ng foreign investments na magdudulot naman ng economic development sa mga lugar na itatalagang EDCA sites.

May mga pangambang sa pagpapalawig ng EDCA, maaaring maipit ang Pilipinas sa tensyon sa pagitan ng China at Amerika, lalo na sa isyu ng Taiwan. Matagal nang sinasabi ng China na probinsya nito ang Taiwan, habang suportado naman ng Amerika ang pagsasarili ng isla. Nitong mga nakalipas na linggo, tila may pagbabanta ang China sa maaari nitong gawin kung patuloy na magmamatigas ang Taiwan at kung kakampihan ito ng ibang bansa, lalo na ng Amerika. Nagpalipad ng warplanes ang China at tumawid ang mga ito himpapawid ng Taiwan. Dasal nating hindi lumala ang sigalot sa pagitan ng China at Taiwan. Hindi sana ito umabot sa isang digmaang katulad ng umusbong nang sakupin ng Russia ang Ukraine. 

Umaasa tayong masusing pinag-aralan ng ating gobyerno ang pagpapalawig ng EDCA, lalo pa at pinagtibay ng Korte Suprema na constitutional ito at hindi labag sa ating soberenya.3 Ngunit mahirap iwasang isiping hindi tayo madadamay sa gusot sa pagitan ng mga bansang tila nagpapaligsahan kung sino sa kanila ang mas malakas at mas makapangyarihan. Sa pagpapatibay natin sa EDCA at pagpapalawig nito, umaayon tayo sa paniniwalang nakasalalay sa lakas ng sandata ang uri ng ugnayang iiral sa pagitan ng mga bansa.  

Salungat ito sa tinatawag ni Pope John Paul II sa kanyang ensiklikal na Centesimus Annus na collective responsibility o kolektibong responsabilidad na iwasan ang digmaan.4 Ang mga bansa—malaki man o maliit, mayaman man o papaunlad pa lamang—ay may tungkuling buuin ang isang pagdaigdigang kultura ng kapayapaan—isang kulturang kumikilala sa kalayaan ng lahat, itinataguyod ang kabutihan ng mga mamamayan, at hindi nasusukat sa lakas at kapangyarihan ang kadakilaan ng mga bansa. Huwag sanang dumating ang panahong pagsisisihan ng ating gobyerno ang pagsawsaw natin sa hidwaan ng mga bansa sa halip na magsilbing tulay ng kapayaan.  

Mga Kapanalig, “mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,” saad nga sa Mateo 5:9. Sa halip na maging bahagi ng hidwaan sa pagitan ng mga bansa, tutukan sana ng ating pamahalaan ang pagsusulong ng kapayapaan. Sa halip na gatungan ang tensyon sa pagitan ng mga nag-aaway na bansa, magsilbi sana tayong tubig na papatay sa apoy ng nagliliyab nilang alitan.  

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 6,008 total views

 6,008 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 56,571 total views

 56,571 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 5,430 total views

 5,430 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 61,752 total views

 61,752 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 41,947 total views

 41,947 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 6,009 total views

 6,009 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 56,572 total views

 56,572 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 61,753 total views

 61,753 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 41,948 total views

 41,948 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 43,366 total views

 43,366 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 52,047 total views

 52,047 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 66,809 total views

 66,809 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 73,924 total views

 73,924 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 48,054 total views

 48,054 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 47,826 total views

 47,826 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 47,527 total views

 47,527 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 39,861 total views

 39,861 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 79,441 total views

 79,441 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 86,995 total views

 86,995 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 82,878 total views

 82,878 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top