Martial law, nakatulong sa paglansag ng mga armado at teroristang grupo sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 349 total views

Tunay na nakatulong ang Batas Militar sa pagsugpo ng masasamang elemento at puwersa sa rehiyon ng Mindanao.

Ito ang ibinahagi ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña kaugnay sa naging pagtatapos ng implementasyon ng Martial law sa Mindanao noong December 31, 2019.

Inihayag ng Obispo na tunay na nakapagdulot ng kapayapaan at nakatulong sa pagtiyak ng seguridad sa rehiyon ang implementasyon ng Batas Militar sa Mindanao na naglalayong malansag ang mga armado at teroristang grupo.

“I think it was providential na nagkaroon, naisipan i-proclaim yung Martial Law dito sa Mindanao dahil nga atleast nagdulot ito ng kapayapaan, nakatulong ito sa pagsugpo sa masasamang elemento…”pahayag ni Bishop Dela Peña sa panayam sa Radyo Veritas.

Gayunman, sinabi ng Obispo na naaangkop lamang ang tuluyang pagtatapos nito upang muling maipagpatuloy ng mamamayan ang normal na pamumuhay.

Ipinaliwanag ni Bishop Dela Peña na ang implementasyon ng Martial law ay nagdudulot ng diwa ng palaging pagiging maingat at handa mula sa masasamang puwersa o pag-atake na hindi magandang indikasyon lalo na sa industriya ng kalakalan sa rehiyon.

“At the same time we are also happy na natapos na din yung Martial Law dahil ang Martial Law it always conjures in the mind of people an emergency situation at saka kung palagi tayong nasa emergency ay we cannot think of normalizing our lives including commerce industry mahirap makapag-attract ng investment dito sa Mindanao kung palaging may emergency dito tulad nung Martial Law so we’re happy it is finished…” Pagbabahagi ni Bishop dela Peña.

Inamin naman ng Obispo na sa kasalukuyan ay wala pa ring pagbabago at hirap pa ring makabangon ang siyudad ng Marawi o ang mismong ground zero.

“We are still waiting and it’s very difficult now to be waiting after more than 2 years na nung matapos yung gyera sa Marawi at ang hirap bumangon mahirap makabangon ang Marawi…”pahayag ng Obispo

Matatandaang May 23, 2017 ng idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 60-Day Martial Law o Batas Militar sa rehiyon ng Mindanao bilang tugon sa naging pag-atake ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi City.

Sa kabuuan, tatlong beses na napalawig ang Batas Militar sa Mindanao na katumbas ng 953-araw na tuluyan ng nagtapos noong ika-31 ng Disyembre 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 41,434 total views

 41,434 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 47,563 total views

 47,563 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 77,705 total views

 77,705 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 97,306 total views

 97,306 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 116,274 total views

 116,274 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 8,685 total views

 8,685 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 8,574 total views

 8,574 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top