Deboto, hinimok na panatilihing banal ang kapistahan ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,270 total reads

Nagbigay ng paalala ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Hesus Nazareno.

Kabilang sa mga paalalang ito ay ang pagpapanatili ng kabanalan ng pagdiriwang.

Ayon kina Fr. Danichi Hui at Fr. Douglas Badong, Parochial Vicars ng Quiapo Church, mahalagang makiisa ang mga mananampalataya sa taimtim na pananalangin at pagdalo sa banal na misa upang mapalalim ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Pinaiiwas din ang mga deboto sa anumang gulo habang isinasagawa ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno upang mapanatili ang kabanalan ng prusisyon.

Pinapayuhan din ang mga deboto na huwag magdala ng istandarte sa mismong kapistahan at bigyan daan ang imahe ng Poong Hesus Nazareno sa prusisyon.

Para naman sa mga mamamasan, pinaalalahanan ang mga baguhan na humingi ng gabay sa mga nakatatanda, at ang mga kababaihan naman ay pinakiusapan din na huwag nang makipagsabayan sa mga kalalakihan.

Bukod dito, mahigpit din ang ipatutupad na security measures sa mga pagtitipon sa Quirino Grandstand at sa Quiapo Church kaya hinihimok ang mamamayan huwag magdala ng matutulis na mga bagay, malalaking bag at canisters.

Dahil sa siksikan at maraming tao, makabubuti din na mayroong ID ang mga bata at matatanda sakaling mapahiwalay o mawala ang mga ito.

Pinakiusapan din ang mga mananampalataya na iwasan na ang pagkakalat, at sinupin ang kanilang mga basura upang maitapon sa tamang lugar.

Inaasahan din ang pagsunod ng mga vendors sa designated areas na maaari silang makapagtinda gayundin ang paglalagay ng sarili basurahan.

Hinikayat din ang mga mananampalataya na maging mahinahon at tulungan ang mga autoridad sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag sa kapaligiran upang mapanatili ang kabanalan ng pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Sa ika-9 ng Enero alas dose ng hating gabi gaganapin ang midnight mass para sa kapistahan na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Bago ang kapistahan, inaanyayahan din ang mga mananamplataya na dumalo sa pagbabasbas ng mga istandarte sa ika-apat ng Enero matapos ang banal na misa ng alas siete ng gabi.

Kasunod nito sa ika-7 ng Enero ang Replica procession at blessing ng mga imahe, at sa ika-8 ng Enero ay magsisimula nang alas tres ng hapon ang pahalik at vigil para sa mahal na poong Hesus Nazareno.

Noong nakaraang taon mahigit 20 oras ang inabot ng prusisyon sa pagbalik ng imahe ng Poong Heus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Umaasa naman ang pamunuan na mapabibilis ito ngayong taon at magiging mas taimtim at banal ang prusisyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,910 total reads

 36,910 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,133 total reads

 117,133 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,581 total reads

 150,581 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,880 total reads

 185,880 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 411,028 total reads

 411,028 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,401 total reads

 37,401 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,291 total reads

 30,291 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top