Mamamayan, binalaan sa email at text hoax gamit ang pangalan ng mga opisyal ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,244 total reads

Binalaan ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ang mga mananampalataya sa huwad na email account na ginagamit ang kanyang pangalan.

Ayon sa Obispo, nasasaad sa e-mail na nanghihingi ng donasyon si Bishop Dialogo upang makabili ng bagong tabernakulo para sa Katedral ng Sorsogon.

Nilinaw ng Obispo na wala siyang kaugnayan sa e-mail account na ginagamit ang kanyang pangalan at hindi totoo na sila ay nangangalap ng pondo pambili ng bagong tabernakulo ng Katedral.

Hinimok ni Bishop Dialogo ang mga mananampalataya na ipagbigay alam sakaling makatanggap ng anumang mensahe na nanggagamit ng pangalan ng mga Obispo, pari o anumang institusyon ng simbahan.

“This is a disclaimer. Somebody has made an email account under my name ang using this acct to solicit a certain amount for the tabernacle of Sosogon Cathedral and using a number which is not mine at all. Any solicitation from this email acct and the phone number stated is not mine and not authorized to do the same. Fake Email and fake phone number will be posted. Thank you po.” Pahayag ni Bishop Dialogo.

Samantala, ganito din halos ang nangyari kay Father Reginald Malicdem, Rector ng Manila Cathedral matapos siyang makatanggap ng ulat na ginagamit ang kanyang pangalan upang manghingi ng donasyon para sa “farewell party” at pambili ng regalo para kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Nilinaw ni Father Malicdem na walang “farewell party” para kay Cardinal Tagle sa January 5, ika-4 ng hapon sa Manila Cathedral.

Iginiit din ng pari na hindi rin sila nanghihingi ng donasyon pambili ng crosier o Pastoral staff na ipapabaon sa Cardinal sa pagtugon nito sa kanyang tungkulin bilang pangulo ng Propaganda Fide sa Vatican.

Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon ay ginamit din ang pangalan ni Cebu Abp. Jose Palma upang manghingi ng donasyon dahil dinasabing siya ay nasa Ukraine at naubusan ng pera pabalik ng Pilipinas.

Nobyembre 2019, si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David Vice President ng C-B-C-P ay nabiktima din naman ng parehong modus kung saan ginawan siya ng pekeng Facebook account na nanghihingi din ng donasyon pambili ng tabernakulo.

Binigyang-diin naman ni Abp. Palma na ang gawaing ito ay imoral, iligal at dapat na matigil na ang panlolokong ito na ginagamit ang simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,874 total reads

 36,874 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,099 total reads

 117,099 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,547 total reads

 150,547 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,846 total reads

 185,846 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 410,996 total reads

 410,996 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,398 total reads

 37,398 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,288 total reads

 30,288 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top