285 total views
Umaasa si Zamboanga Peninsula Regional Development Council chairman Pocholo Soliven na masosolusyunan ng Martial Law ang mga problemang kinakaharap ng Mindanao.
Ayon kay Soliven, naniniwala ang mga mamamayan ng Mindanao na muling maibabalik ng Batas Militar ang pangmatagalang kapayapaan sa isla na ilang dekadang ipinagkait sa kanila at maging daan ito upang mapaunlad ang lokal na ekonomiya.
“The majority of the Mindanaoan particularly coming from Zamboanga are looking on the long term benefits of the imposition of Martial Law because ever since, this has always been what we call the Mindanao problem. Maraming interventions, maraming experiment na nangyari and everything is a failed experiment. We look at it more on the restoration of law and order in the island. And as far as the stability and security that will also resonate in the next few months, hopefully and that is where real investment will be coming here to Mindanao,” pahayag ni Soliven.
Tiwala si Soliven na sa pagtatapos ng Martial Law ay magwawakas din ang gulo sa Mindanao at magsisimula naman ang economic activity sa rehiyon.
Sa datos Department of Finance noong 2016, nakapag-ambag ng 50.6- milyong piso sa kabuuang 8.1-trilyong piso Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ang Autonomous Region in Muslim Mindanao kung saan kasama ang Marawi City.
Mababatid naman sa tala ng Global Terrorism Index noong 2016, ika-12 ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nakakaranas ng terorismo.
Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng 50th World Day of Peace, nananawagan si Pope Francis na igalang ang karapatan ng bawat isa at pairalin ang kapayapaan dahil kailaman walang magandang maidudulot ang karahasan.