Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martial law nga ba ang kailangan?

SHARE THE TRUTH

 488 total views

Mga Kapanalig, dahil sa nangyayaring sagupaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng Maute Group sa Marawi, nagdeklara si Pangulong Duterte ng martial law sa buong Mindanao noong nakaraang Martes, ika-23 ng Mayo. Sa bisa ng Proclamation No. 216, sinususpinde ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus; ibig sabihin, maaaring dakpin ng estado—alinsunod sa proseso ng batas—ang sinuman nang walang warrant. Gaya ng pinahihintulutan ng ating Saligang Batas, ang pagsasailalim sa Mindanao sa batas militar ay hanggang dalawang buwan lamang, ngunit nagpahiwatig ang ating pangulo na maaari niya itong palawigin. Hindi rin niya isinasantabi ang posibilidad na ilagay ang buong bansa sa ilalim ng martial law kung aabot daw ang gulo sa ibang bahagi ng bansa. Banta pa niya, ang martial law na kanyang ipatutupad ay magiging marahas gaya ng ginawa ni dating Pangulong Marcos.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang pagsasailalim ng buong Mindanao sa martial law. May mga sumang-ayon dito, at may mga tumutol din, kabilang ang ilang grupo sa Mindanao. May mga nagtatanong: kung sa Marawi naman naganap ang pag-atake, bakit kinakailangang buong isla ng Mindanao ang ipasailalim sa martial law? Hindi raw ba sasapat na ideklara lamang ito sa Lanao del Sur, ang probinsyang nakasasakop sa Marawi? Sa laki at lawak ng saklaw ng kapangyarihan ng pangulo—kasama ang Sandatahang Lakas at Pambansang Kapulisan—bakit martial law agad ang naging tugon ng administrasyon sa sitwasyon sa Marawi?

Nakaugat ang mga agam-agam na ito hinggil sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao sa karanasan natin nang isinailalim ang Pilipinas sa batas militar noong rehimeng Marcos. Itinuturing iyon bilang isa sa madilim na yugto sa ating kasaysayan, dahil naging laganap noon ang mga paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa poder. Ito ang mga dahilan kung bakit inilagay sa kasalukuyan nating Saligang Batas ang mga “safeguards” o pananggalang bago magdeklara ang pangulo ng batas militar.

Kinikilala ng Santa Iglesia ang terorismo bilang mabigat na kasalanan sa buong sangkatauhan, kaya makatwiran lamang na ipagtanggol natin ang ating mga sarili laban sa mga nagpapalaganap nito. Ngunit ang pagtatanggol na ito ay dapat pa ring nakabatay sa moral at legal na mga panuntunan, sapagkat ang pagsugpo sa terorismo ay dapat na nakaugat sa dangal at karapatang pantao at sa mga prinsipyo ng estadong may mga batas na pinaiiral. Samakatuwid, bagamat ang sinasabing pangunahing dahilan ng pagpapairal ng batas militar sa Mindanao ay upang ilayo ang mga kababayan natin roon sa higit pang kapahamakan, hindi ito dapat na maging dahilan upang isantabi ang mga karapatan ninuman sa pamamagitan ng pag-abuso sa kapangyarihan ng mga tagapagpatupad ng batas at tagapagpanatili ng kapayapaan sa Mindanao.

Ganito ang pananaw ni Ozamiz Archbishop Martin Jumaod. Naniniwala siyang kailangang paigtingin ng pamahalaan ang aksyon nito upang maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa Marawi. Ngunit paalala niya, kailangang may malinaw na mekanismo upang hindi humantong sa paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso ang pagbibigay ng dagdag kapangyarihan sa militar.

Sang-ayon man tayo o hindi sa naging pasya ng pangulo, lahat tayo ay umaasang matitigil sa lalong madaling panahon ang nagaganap na karahasan sa Marawi. Tayong mga malayo sa Marawi ay inaasahang laging maging mapanuri sa mga impormasyong ating nababasa, naririnig, at ibinabahagi. Patuloy tayong magdasal para sa kaligtasan ng ating mga kababayan, para sa lakas ng loob ng ating mga sundalo, at para sa malinaw sa pagpapasya ng ating pamahalaan.

Hindi man natin pa masasagot ang tanong kung martial law nga ba ang kailangan sa Mindanao, huwag nating hayaang humantong ang pasyang ito ng ating pamahalaan sa malawakang pag-abuso at kapahamakan ng mga inosente.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 4,624 total views

 4,624 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 12,105 total views

 12,105 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 25,245 total views

 25,245 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 31,218 total views

 31,218 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 36,973 total views

 36,973 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 4,625 total views

 4,625 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 12,106 total views

 12,106 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 25,246 total views

 25,246 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 31,219 total views

 31,219 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 36,974 total views

 36,974 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,403 total views

 40,403 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,487 total views

 41,487 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,868 total views

 36,868 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,872 total views

 48,872 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,914 total views

 56,914 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,471 total views

 48,471 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,896 total views

 46,896 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,682 total views

 48,682 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,607 total views

 45,607 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,921 total views

 59,921 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top