Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Marawi, labis ang pasasalamat sa cash at rice donations ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 361 total views

Labis na ipinagpasalamat ni Marawi Bishop Edwin Dela Pena, ang “cash donation at bigas” na ipapadala ng Caritas Manila para sa mga Internally Displaced Persons o IDP’s na apektado ngayon ng krisis sa Marawi.

Ayon kay Bishop Dela Peña, malaki ang pangangailangan ng tulong ng mga apektadong residente at ikinagagalak niya ang pagtugon dito ng iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika gaya ng Caritas Manila.

“Nagpapasalamat po kami sa inyong maagap na pag tugon sa pangangailangan ng ating mga evacuees at talagang kailangang kailangan nila ang inyong tulong at ang patuloy ninyong pagpaparating at paghahatid ng tulong para sa kanila.” pahayag ni Bishop Dela Peña sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na nakipagtutulungan sila sa Diocese ng Iligan kung saan sila nagtayo ng Command Center.

Aminado ang Obispo na mahirap para sa Simbahan Katolika ang magsagawa ng relief operation ngunit nais pa
rin nilang makatulong sa mga apektadong residente.

Tiniyak ng Obispo na isusunod nila ang rehabilitation assistance sa oras na bumuti na ang sitwasyon sa Marawi.

“Ang hirap lang kasi kung food [Items] ang ipapadala mahirap ang delivery at it will take time … Later stage we’ll be going to rehabilitation.”wika pa ng obispo ng Marawi.

Kaugnay nito, Inaasahan na ang Visayas-Mindanao Office ng Caritas Manila sa pamamahala ni Rev. Fr. Emerson Luego ng Diocese of Tagum ang mangunguna sa paghahatid ng 100 Kaban ng bigas para sa apektadong residente ng Marawi.

Naunang tinugunan ng Caritas Manila ang panawagang tulong ni Bishop dela Pena.

Read:

Caritas Manila sends help for families affected by violence in Marawi City

Inihayag ng Caritas Manila na bukas ang kanilang tanggapan para tanggapin ang ano mang tulong at maari din makipag-ugnayan sa himpilan ng Radyo Veritas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,546 total views

 13,546 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,483 total views

 33,483 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,743 total views

 50,743 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,300 total views

 64,300 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 80,880 total views

 80,880 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,105 total views

 7,105 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 31,770 total views

 31,770 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 45,062 total views

 45,062 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top