May hangganan ang lahat ng pagsubok.

SHARE THE TRUTH

 363 total views

Binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na may hangganan ang lahat ng mga pagsubok na kinaharap sa tulong Hesus.

Ito ang pagninilay ng obispo sa ikaapat na linggo ng kuwaresma kung saan nahaharap ang buong mundo sa krisis sa banta ng corona virus disease 2019.

Sinabi ni Bishop Santos na dapat alalahanin ng tao na may pag-asa, kagalingan at tulong mula sa Diyos tulad ng pagpapagaling ni Hesus sa isang bulag.

“The miracle of restoring the sight of someone who has been blind from birth is very timely to what the entire world is going through right now. With Jesus healing the blind man, He made it clear that He makes everything possible and He is able to intervene in our life to lighten our burdens,”pagninilay ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng obispo na palaging may pag-asa kay Hesus sa pamamagitan ng walang hanggang pag-ibig ng Diyos kaya’t mahalagang kumapit at manalig sa kanya na masugpo na ang pandemic COVID 19.

Sinabi ni Bishop Santos na kaakibat ng pag-asa ang tulong ng Diyos sa tao na pagtibayin sa gitna ng mga hamon kasabay ng paghimok sa mamamayan na magtulungan sa gitna nang ipinatupad na enhanced community quarantine.
“From hope comes God’s HELP. He gives us strength to carry this cross, making our shoulders strong and stable. He will help us by raising us up and lifting our spirit. God moves people to be His hands and instill His love in our hearts. Therefore, as one body, in this great time of need and trials, let us be God’s helpers to one another.”pahayag ng Obispo

Tiniyak ni Bishop Santos sa bawat mamamayan na may lunas ang bawat karamdaman na kinakaharap ng mundo at ibabalik ng Diyos ang malusog na pangangatawang pisikal, emosyonal at higit sa lahat espiritwal sa takdang panahon.

Batay sa tala, mahigit na sa 240, 000 ang bilang ng mga nagtataglay ng COVID 19 sa 160 mga bansa kabilang na ang Pilipinas kung saan tinatayang nasa isang porsyento lamang ang nagpositibo sa pangkabuuang bilang.

Pinaalalahanan ng obispo ang mananampalataya sa liwanag na dala ni Kristo sa Kanyang muling pagkabuhay na siyang maging gabay sa bawat isa.

“Jesus is the Light of the world! He is the beacon of mercy! Even in times of adversity, our part is to give glory to God. With this pandemic, let us focus our sight on Jesus,” saad ni Bishop Santos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 30,187 total views

 30,187 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 47,596 total views

 47,596 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 62,243 total views

 62,243 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 75,742 total views

 75,742 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 87,649 total views

 87,649 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »
Scroll to Top