Mga Bayani, huwaran ng tunay na paglilingkod.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total reads

Ito ang pagninilay ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila sa paggunita ng National Heroes Day sa bansa ngayong ika-26 ng Agosto.

Paliwanag ng Pari, nilikha ng Diyos ang bawat nilalang hindi lamang mabuhay para sa kanyang sarili kundi sa kapakanan rin ng kanyang kapwa.

“Ang mga Bayani ang huwaran natin ng tunay na lingkod. Nilikha tayo ng D’yos hindi para mabuhay sa sarili kundi sa kapwa.” pahayag ni Fr.Pascual sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ni Fr. Pascual na ang paghahandog ng sarili sa Panginoon, sa kapwa at sa bayan ang pinakamatayog na uri o paraan ng pamumuhay.

Iginiit ng Pari na ang katangian ito ang pinaka-mabuting halimbawa para sa mga kabataang Filipino na naghahanap ng mga huwaran sa kanilang paglaki at pagiging ganap na bahagi ng lipunan.

“Ang paghahandog ng sarili sa Dyos At bayan ang pinakamatayog na uri ng pamumuhay. At inspirasyon sa lahat lalo na sa kabataan na tumitingala sa nakakatanda ng halimbawa.” saad ni Fr. Pascual.

Sa bahagi ng pananampalatayang Katoliko, itinuturing na bayani ang mga karaniwang taong sinaksihan ang kanilang pananampalataya sa hindi pangkaraniwang paraan.

Tinukoy ng Pari ang mga martir at santo na mga huwaran kung paano mabuhay bilang mga tagapagpalaganap ng Mabuting Balita sa isang magulo at kumplikadong mundo.

Hindi rin nalalayo ang mga katangian ng isang bayani sa mga martir at santo na nagsulong at naghahangad ng katarungan at pagbabagong hindi lamang nakatuon sa sarili kundi para sa kanyang bayan.

Sa paggunita ng Year of the Youth ay tinatawagan ng Simbahang Katolika ang mga kabataan na aktibong ibahagi ang kanilang sarili para sa kabutihan at kapakanan ng bansa sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga usaping panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,283 total reads

 61,283 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,267 total reads

 140,267 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,712 total reads

 173,712 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,010 total reads

 209,010 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,072 total reads

 433,072 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top