OFWs, kinilalang bayani ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total reads

Kinilala ng Simbahang Katolika ang mga Overseas Filipino Workers sa buong mundo bilang mga bagong bayani at misyunero ng mabuting balita ng panginoon.

Sa mensahe ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP – ECMI) sa nitong National Heroes Day, tinawag ng Obispo na biyaya ang bawat OFW sa mga pamilyang naiiwan sa Pilipinas at maging sa kanilang mga employer sa ibayong dagat.

Paalala ng Obispo sa mga OFW sa pagbisita nito sa Vienna Austria na patuloy ipagpasalamat ang bawat biyayang ipinagkakaloob ng Panginoon.

“You are blessed here and are blessings to us. Always grateful to God for your peaceful and pleasant working and living conditions,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sa Misa ni Bishop Santos sa huling bahagi ng kanyang pastoral visit sa Middle East at Europe, inihalibin nito sa mahigit 10 milyong O-F-W sa buong mundo na patuloy magpuri sa Diyos upang gagabayan sa kani-kanilang pagpupursigi at pagtataguyod para sa pamilya.

Ibinahagi din ni Bishop Santos ang mabuting kalagayan ng mga OFW sa Austria na karamihan ay nagtatrabaho sa mga pagamutan at iba’t ibang tanggapan ng United Nation sa naturang bansa.

“They are much better here, fully integrated and very established” ani ng Obispo.

Bilang mga bagong bayani, kinilala ang malaking ambag ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa higit 32-bilyong dolyar ang remittance ng mga OFW.

Sa tala naman ni Father Eli Dalanon, ang Filipino chaplain ng Austria, higit 30 libong OFW ang dokumentado habang halos 5 libo naman ang undocumented na iginagalang at tinatanggap sa komunidad.

Hinimok din ni Bishop Santos ang mga OFW na gumawa ng kabutihan sa kapwa at magpuri sa Diyos bilang pasasalamat sa mga biyayang handog sa pamilya.

“I urged them in gratitude to God don’t forget to be good, to do good and share your goodness to us, always return to God the glory. Praise and pray to Him always,” ayon pa ni Bishop Santos.

Ang pagbisita ni Bishop Santos sa mga O-F-W ay bahagi ng misyon ng simbahan na lingapin ang mga migrante na naghahanapbuhay malayo sa pamilya upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahal sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,064 total reads

 61,064 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,060 total reads

 140,060 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,505 total reads

 173,505 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,803 total reads

 208,803 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,867 total reads

 432,867 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top