Mga kabataang nabigyan ng pag-asa, lubos ang pasasalamat kay Cardinal Tagle.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 486 total reads

Binigyang pagkilala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga musmos mula sa Tulay ng Kabataan Foundation Inc. (TNK) na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang ika-60 kaarawan.

Ayon kay TNK chairperson Cardinal Tagle, ang pag-abot ng kamay ng mga naghihirap, iniwan at nalulumbay nang may dalisay na kalooban ay daan upang mas mapalapit ang tao sa Diyos.

Isa ang 14-na taong gulang na si Aleli Jay Pasino sa libo-libong kabataan na nasagip ng Tulay ng Kabataan at ngayon ay nagsisimula nang abutin ang kanyang pangarap sa tulong ng Kardinal.

“Maraming salamat po Cardinal kung di po dahil sa inyo hindi po ako mapupunta sa Tulay ng Kabataan.
Dati po pulubi ako ngayon po, okay-okay na po tapos nakakapag-aral na po ako ngayon. Mas napalapit din po ako sa Panginoon dahil po kay Cardinal [dahil] tinuturuan n’ya po kami ng mga tamang asal,” pagbabahagi ni Pasino.

Bukod dito ay nagpatotoo rin Stephanie Magtalas na biyayang maituturing ang pagiging parte niya ng TNK
dahil naging instrumento aniya ng Diyos si Cardinal Tagle upang siya ay makapagbagong-buhay at talikdan ang kanyang mga kasalanan.

“Dati po salbahe po yung ugali ko, ngayon po nagbago na po, dati sumasagot pa ako sa magulang ko, nagmumura
pa ako ngayon hindi na po kundi po dahil kay Cardinal Tagle. Maraming salamat po Cardinal, kundi po dahil sa inyo hindi po mababago yung pag-uugali namin ngayon at nag papasalamat din po ako sa pag-imbita ninyo sa amin,” kuwento ni Magtalas.

Ang TNK ay isang non-government organization na umaalalay sa mga street children sa Metro Manila
sa pamamagitan ng feeding program, health check-ups at pagbibigay ng libreng pre-school education sa mga batang naninirahan sa lansangan.

Sa kanyang pagbisita sa Pilipinas noong 2015, matatandaang surpresang dinalaw ni Pope Francis ang TNK
at nanawagan sa bawat mananampalataya na pahalagahan ang mga musmos na naisasantabi ng lipunan.

Naunang binigyang pugay si Cardinal Tagle ng kanyang mga mahal sa buhay at kaibigan sa ika-60 taon
niyang kaarawan.

Read:

Cardinal Tagle, binigyang pugay

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 14,375 total reads

 14,375 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 101,610 total reads

 101,610 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 148,350 total reads

 148,350 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 196,222 total reads

 196,222 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 299,651 total reads

 299,651 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 311,776 total reads

 311,776 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,244 total reads

 418,244 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top