Protektahan ang mga batang apektado ng digmaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,072 total reads

Mga Kapanalig, isang buwan na ang gulo sa Marawi at hindi pa natin natatanaw ang katapusan nito. Marami na ang lubhang naapektuhan ng krisis na ito—mga bahay at gusaling nasira, mga taong nawalan ng tirahan at kabuhayan, mga pamilyang nagkahiwalay, at mga buhay na nawala. Tunay nga namang trahedya at paghihirap lamang ang nakakamit natin sa digmaan. At ang higit na naapektuhan sa mga labanang ito ay ang mga batang musmos. Sabi nga ni Eglatyne Jebb, isang kilalang tagapagtanggol ng karapatan ng mga bata at nagtatag ng NGO na Save the Children, “Every war is a war against children.” Ang bawat digmaan ay digmaan laban sa mga bata.

Sa panahon ng giyera, nalalantad ang mga bata sa napakaraming kapahamakang nag-iiwan ng matinding lamat sa kanilang pagkatao. Ayon sa Department of Education, tinatayang mahigit sa 20,000 batang mag-aaral sa Marawi ang lumikas patungo sa mga evacuation centers o nakikitira ngayon sa kanilang mga kamag-anak sa iba’t ibang lugar. Nahinto ang kanilang pag-aaral at hindi pa tiyak kung kailan sila makababalik sa kanilang mga paaralan, kung hindi pa tuluyang nasira ang mga ito. Kaya’t inatasan ng DepEd ang mga prinsipal ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa na tanggapin ang mga batang lumikas mula sa Marawi upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Maliban sa problema sa pag-aaral, nalalagay din sa panganib ang kalusugan ng mga batang bakwit. Dahil sa siksikan at kakulangan sa pagkain, tubig, gamot at sanitasyon sa mga evacuation centers, marami sa mga bata ang nagkakasakit. May mga batang nakararanas ng matinding takot, depresyon, at trauma bunga ng mga putukan, pagkawalay sa pamilya, pagkasira ng kanilang mga bahay, at pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan. Kapag hindi sila nabigyan ng angkop na tulong sa lalong madaling panahon, makaapekto ito sa kanilang paglaki at maaaring pang maging sanhi ng kanilang kamatayan. Isang 14 na taóng gulang na bata na nga ang naiulat na nadamay at napatay sa gitna ng bakbakan.

Kaya’t napapanahon ang paghahain ng isang panukalang batas sa Kongreso na naglalayong protektahan ang mga bata sa mga sitwasyon ng digmaan. Pumasa noong Mayo sa Committee on the Welfare of Children sa Mababang Kapulungan ang Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict Act. Layon ng panukalang batas na protektahan ang mga bata laban sa lahat ng mga pang-aabuso, karahasan, kapabayaan, kalupitan at diskriminasyon sa panahon ng digmaan. Isinusulong din nito ang paggalang at pagsulong sa karapatan ng mga bata katulad ng karapatan nila sa pagtanggap ng angkop na serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at suportang sikolohikal. Pipigilan din ng batas ang pag-recruit ng mga bata upang isali sa mga labanan. Ituturing din ang mga batang nasasangkot o apektado ng digmaan bilang mga biktimang kailangang bigyan ng tulong at suporta. Bagamat may mga probisyon sa panukalang batas na kailangan pang suriing mabuti, malinaw ang layunin nitong tiyakin ang kapakanan ng mga batang apektado ng digmaan.

Mga Kapanalig, hindi tamang ituring ang mga batang naiipit sa gulo bilang “collateral damage” lamang, mga hindi sinasadyang biktima ng digmaan. Sabi nga ni St John Paul II, “Karahasan ang bunga ng karahasan… Ang digmaan ay pagkatalo, kabiguan ng katwiran at ng sangkatauhan.” At sa digmaan, pinakatao ang mga inosenteng bata. Ngunit sa mga pagkakataong nariyan na ang digmaan, tiyakin nating lahat na napangangalagaan ang buhay at dignidad ng bawat tao sa mga apektadong lugar, lalung-lalo na ng mga bata.

Sa huli, hindi sapat ang pagkakaroon ng mga batas. Sa abot ng ating makakaya, lagi nating piliin natin, bilang isang bayan, ang kapayapaan kaysa sa digmaan. Lagi nating isaalang-alang ang mga batang aani sa kanilang kinabukasan ng anumang bunga ng ating mga pasya sa kasalukuyan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,112 total reads

 11,112 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,367 total reads

 239,367 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,833 total reads

 132,833 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,862 total reads

 226,862 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,659 total reads

 270,659 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,113 total reads

 11,113 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,368 total reads

 239,368 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,834 total reads

 132,834 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,863 total reads

 226,863 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »
Scroll to Top