Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga katubigang namumutiktik sa basura

SHARE THE TRUTH

 746 total views

Mga Kapanalig, kasabay ng malalakas na along dala ng hanging habagat, na hinila ng dumaang Bagyong Gorio noong isang linggo, ang tone-toneladang basurang tumambak sa dalampasigan ng Manila Bay. Ito na siguro ang magandang pagkakataon upang bumalik ang mga taga-lokal na pamahalaan ng Maynila at gawing makatotohanan ang kanilang clean-up drive sa Manila Bay. Hindi na nila kailangang maghulog pa ng basura sa tubig at magpalusong ng mga taong maglalagay ng basura sa sisidlan dahil isang hakot lang, tiyak may basura silang makukuha.
Lagi nating naririnig sa mga balita ang basurang lumulutang sa Manila Bay at inaanod sa dalampasigan ng Maynila tuwing panahon ng tag-ulan. Nakalulungkot na sa kabila ng halos sampung taon nang kautusan ng Korte Suprema sa 13 ahensiya ng pamahalaan upang linisin ang Manila Bay, wala pa ring senyales na maibabalik pa ito sa dati nitong ganda. Sa isang pag-aaral na ginawa ng iba’t ibang environmental groups noong 2014, lumabas na mahigit 1,500 litro ang dami ng basura sa Manila Bay, at 60% nito ay plastic. Sa isa namang pag-aaral ng Ocean Conservancy at McKinsey Center for Business and Environment noong 2015, pangatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming basurang plastic na nakararating sa mga karagatan. Umaabot sa 2.7 million metric tons ang plastic na nagiging basura sa ating bansa bawat taon. Dalawampung porsyento rito ang napupunta sa ating mga katubigan dahil sa hindi maayos na pagkolekta ng basura at sa pagkakaroon natin ng mga open dump sites malapit sa mga ilog. Sinasalamin ng kalunos-lunos na kalagayan ng Manila Bay ang problema natin sa basura sa dagat, at kung mga panakanakang clean-up drive (na ginagawa lamang para sa photo-op) ang solusyon natin sa problemang ito, huwag tayong umasang tunay na malilinis ang ating mga karagatan.
Binibigyang-diin sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan. Bahagi ito ng pananagutan nating itaguyod ang kabutihan ng lahat. Mahalaga ring nakapaloob sa mga patakaran ng isang bansa ang pananagutang ito bilang bahagi ito ng pagtiyak sa karapatan ng bawat isa sa isang kapaligirang ligtas at hindi nakapipinsala sa kalusugan. At marami na tayong batas sa Pilipinas katulad ng Ecological Solid Wate Management Act na naglalayong bawasan ang basurang sumisira sa ating katubigan, ngunit gaya ng maraming batas, hindi naipatutupad nang tama ang mga ito. At dahil tungkulin nating pangalagaan ang ating kalikasan, mahalaga ang pagsunod natin sa mga alituntuning ipatutupad ng ating pamahalaan patungkol sa tamang pagtatapon ng basura. Hindi magtatagumpay ang pamahalaan kung hindi tayo makikipagtulungan. Wala ring silbi ang anumang batas kung ipagpapatuloy natin ang tinatawag ni Pope Francis na “throwaway culture,” isang uri ng pamumuhay na walang pakundangan sa paglikha at pagtapon ng basura.
Mga Kapanalig, pagnilayan natin ang tanong ng ating Santo Papa sa kanyang encyclical na Laudato Si’: Anong uri ng mundo ang nais nating iwan sa susunod na henerasyon, sa mga batang ngayon ay lumalaki? Ito ba ay isang mundong punô ng basura, mga katubigang namumutiktik sa plastic? Nasa kasalukuyang henerasyon ang sagot, nasa mga solusyong ating ihahain at mga hakbang na ating gagawin. At huwag tayong makuntento sa mga panandalian at napupulitikang clean-up drive. Magsimula tayo sa ating mga sarili sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit at pagtatapon ng plastic.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 5,575 total views

 5,575 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,056 total views

 13,056 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 26,196 total views

 26,196 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 32,169 total views

 32,169 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 37,924 total views

 37,924 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 5,576 total views

 5,576 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,057 total views

 13,057 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 26,197 total views

 26,197 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 32,170 total views

 32,170 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 37,925 total views

 37,925 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,459 total views

 40,459 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,543 total views

 41,543 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,924 total views

 36,924 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,928 total views

 48,928 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,970 total views

 56,970 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,527 total views

 48,527 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,952 total views

 46,952 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,738 total views

 48,738 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,663 total views

 45,663 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,977 total views

 59,977 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top