Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga lingkod ng Simbahan, hinimok na maging mabuting Samaritano sa typhoon Odette victims

SHARE THE TRUTH

 490 total views

Hinimok ni Diocese of Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga lingkod ng simbahan na magkaisang tugunan ang pangangailangan ng nasasakupang mananampalataya na nahaharap sa pagsubok bunsod ng nagdaang bagyong Odette.

Ayon sa Obispo, mahalagang maramdaman ng mamamayan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng mga pastol ng simbahan kabilang na ang pagdarasal, pakikinig, pakikiisa sa karanasan at higit sa lahat ang pagkakawanggawa.

Hamon ni Bishop Uy sa mga kapwa lingkod ng simbahan na maging mabuting samaritano sa panahong higit nangangailangan ng kalinga ang mamamayan.

“Sa mga kapatid kong pari at relihiyoso lumabas tayo sa ating mga comfort zone para hanapin ang mga nahihirapang pastol; sa panahong ito na nasalanta tayo ng kalamidad hikayatin natin ang ating kawan na maging ‘Good Samaritan’ para sa kapwa,” bahagi ng panawagan ni Bishop Uy.

Sa pananalasa ng bagyong Odette nitong December 16, isa ang Bohol sa labis naapektuhan kung saan ilang simbahan, gusali at tahanan ang napinsala habang umabot sa 74 ang nasawi.

Panawagan ng obispo sa lahat ng opisyal ng lokal na pamahalaan na magkaisa at magtulungan para sa ikabubuti ng mga mamamayang nasalanta ng kalamidad.

“Panawagan ko sa lahat ng mga opisyal sa lokal na pamahalaan na gamitin ang kapangyarihang tulungang maibsan ang paghihirap ng mga biktima ng kalamidad; sana gawing pagkakataon ang nangyaring kalamidad para isakatuparan at isabuhay ang mga ipinangako noong eleksyon,” ani Bishop Uy.

Apela ng obispo sa mga kumandidato sa 2022 National and Local Elections na huwag samantalahin ang sitwasyon para sa sariling interes at isantabi ang pulitika sa halip ay makipagtulungan sa pagllikha ng mga programang mapakikinabangan ng mamamayan.

Bukod dito hinimok ni Bishop Uy ang mga negosyante na huwag samantalahin ang pagkakataon na magtaas ng presyo ng mga bilihin kundi ipakita ang diwa ng kawanggawa, pagmamahal at pagkalinga sa kapwa.

Nanawagan din ang Obispo sa mga nakaluluwag sa buhay na maglaan ng panahon para tulungan ang pagbangon ng mga labis na napinsala bilang pagsasabuhay sa diwa ng pasko.

Sa huli hinimok ni Bishop Uy ang mananampalataya na pagnilayan ang karanasang dulot ng bagyong Odette at umaasang maging daan ito upang mas mapalapit sa Panginoon.

“Ang nagdaang bagyo [Odette] ay maging paraan nawa para manumbalik tayo sa Diyos at nawa’y ang bawat isa ay magiging mabuting tao na kasapi ng Kristiyanong pamayanan,” giit ni Bishop Uy.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council halos isang milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 33,969 total views

 33,969 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,099 total views

 45,099 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,460 total views

 70,460 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 80,849 total views

 80,849 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,700 total views

 101,700 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,558 total views

 5,558 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top