Lumalalim na galit ng mga Pilipino, ikinababahala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,782 total views

Lubhang nababahala si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa lumalalim na galit, pagkadismaya, at pagkakahati-hati ng mga Pilipino dahil sa kabiguan ng mga lider sa bansa na pairalin ang integridad at pananagutan sa pamamahala.

Sa kaniyang pastoral message, sinabi ng obispo na makatwiran ang nararamdamang galit ng mamamayan dahil sa paulit-ulit na pagkakanulo sa tiwala ng publiko.

“Many Filipinos today are not only anxious; they are furious. They see leaders who should have been role models of integrity, yet they themselves disregard the law,” ayon kay Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang galit ng mamamayan ay dahil sa patuloy na pagbalewala ng mga halal na lider sa pagsusulong ng kabutihang panlahat lalo na sa pagtugon sa mga pangunahing usaping panlipunan na lubhang nakakaapekto sa mamamayan.

“The righteous anger of our people is not born of hatred, but of betrayal. A betrayal of trust, of duty, and of the common good,” dagdag pa ng obispo.

Tinukoy rin ni Bishop Santos ang iba’t ibang suliraning kinakaharap ng bansa, kabilang ang kontrobersiya sa flood control projects, kawalang-katarungan sa mga nawawalang sabungero, krisis sa langis, at hindi matatag na suplay ng kuryente.

“The flood control fiasco, with billions lost, remains unresolved. Those responsible continue to live comfortably, untouched by accountability, while the poor suffer the consequences,” pahayag ni Bishop Santos.

Ayon pa sa obispo, higit na nakalulungkot na natatabunan ng alitan at ingay sa politika ang tunay na hinaing ng mamamayan para sa katarungan, katotohanan, at malasakit.

“Arguments, accusations, and divisions drown out the more urgent cries of our people: the cry for justice, for truth, for accountability, for compassion,” ani ng obispo.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mga lider at mamamayan na walang sinuman ang makatatakas sa katarungan ng Diyos.

Hinimok naman ng obispo ang sambayanan na manatiling nakatuon sa mga usaping moral at sama-samang isulong ang pagbabagong nakabatay sa pananagutan, katotohanan, at kabutihang panlahat.

“Let us rebuild our nation not on anger alone, but on conversion, responsibility, and renewed commitment to the common good,” giit ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 29,919 total views

 29,919 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 56,570 total views

 56,570 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 151,628 total views

 151,628 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 173,136 total views

 173,136 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 186,192 total views

 186,192 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top