Mga lungsod sa Pilipinas na mayroong mababang carbon emissions, pinarangalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 358 total views

Nag-organisa ang World Wildlife Fund for Nature Philippines ng Earth Hour Cities Challenge, kung saan kinilala ang pitong siyudad sa Pilipinas na nakilahok sa hamon na itaguyod ang kalikasan kasabay ng pagpapaunlad ng mga Lungsod.

Kabilang sa mga nakilahok ang mga Lungsod ng Cagayan De Oro, Makati, Naga, Parañaque, San Carlos, Santa Rosa at Quezon City.

Ayon kay Atty. Angela Consuelo Ibay – Earth Hour Philippines Director, layunin ng EHCC na palaganapin sa bawat lungsod ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mababang carbon emissions habang kasabay parin nito ang pag-unlad ng kanilang industriya.

Dagdag pa nito sa pamamagitanng EHCC, mahihikayat ang bawat lungsod na isaalang-alang ang pangangalaga at pagpapayabong sa kalikasan upang mabigyan ng masmaayos at komportableng pamumuhay ang bawat residente.

“Cities play a major role as contributors to climate change and rapid development. They are centers for consumption and carbon emissions – generating 70% of global emissions. With the cities of Santa Rosa, San Carlos, Makati and our other green hubs leading the way, we can create cleaner and more livable spaces for Pinoys. We hope the example set by our seven Earth Hour City Challenge entries convinces other Pinoy cities to develop sustainably. Homegrown solutions are already available to transform our cities into eco-friendly, stress-free and low-carbon urban spaces,” bahagi ng pahayag ni Atty. Ibay.

Itinanghal ang Santa Rosa City Laguna bilang National winner sa Earth Hour Cities Challenge.

Samantala, napabilang naman sa finalist sa isang international campaign na WWF We Love Cities Campaign ang tatlong Lungsod sa Pilipinas.

Nakamit ng San Carlos City, Negros Island Region ang ika-apat na pwesto sa We Love Cities Campaign, nasa pang limang pwesto naman ang City of Santa Rosa, at pang labing siyam ang Makati City, mula sa 124 na mga lungsod na nakilahok, mula sa 20 iba’t ibang mga bansa.

Hinirang bilang kampiyon sa kompetisyon ang Bogor na tinaguriang Green City sa Indonesia.

Kaugnay dito ipinapaalala sa Laudato Si ni Pope Francis na sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle ng bawat tao at sa pagsasama sama ng isang buong komunidad ay makakamit ng mundo ang kinakailangan nating ecological conversion.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 140,013 total views

 140,013 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 162,123 total views

 162,123 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 235,438 total views

 235,438 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 228,237 total views

 228,237 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 289,878 total views

 289,878 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top