Mga Magsasaka ng Bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 952 total views

Bayaning matuturing ang mga magsasaka sa ating bayan. Sa kanilang pagod nagmumula ang katiyakan ng pagkain sa ating lipunan. Sa kanilang pawis tumutubo ang mga pananim na bumubuhay sa mga mamamayan. Sa kabila ng kanilang paghihirap, hindi kinikilala ng lipunan ang serbisyong inaalay nila sa bayan. Sila ay lagi na lamang maralitang manlulupa, hindi napapansin ng bayan.

Tinatayang umaabot sa mahigit 5.5 million ang mga farmers sa ating bansa. Bago pa man magpandemya, hirap na ang marami sa kanila. Habang lumilipas kasi ang panahon, nawawala na ang pokus ng lipunan sa agricultural sector. Makikita ito sa pag-iba ng source of income ng maraming mga kabahayan natin – non-farm income na ngayon ang nauuna kaysa sa pagsasaka. Dahil na rin sa mabilis na urbanisasyon, lumiliit na at nababawasan ang mga lupang sakahan ng ating mga kababayan. Ayon nga isang pag-aaral mula sa World Bank, ang average farm size noong mga 1960s ay 3.6 hectares. Naging 1.3 hectares na lamang ito noong 2012.

Hirap sa mga hamon na ito ang karaniwang magsasakang Filipino. Ito ay mga pagsubok na dulot ng pagbabago sa ating lipunan, mga pagbabagong kailangan natin tiyakin na hindi papatay sa pagsasaka – ang kinabubuhay ng napakaraming mga Filipino.



Hindi lamang sila mga numero o statistiko na ating binibilang. Sila ay tao, may angking dangal at malaki ang ambag hindi lamang sa ekonomiya ng bansa, kundi sa buhay ng bawat isa sa atin. Dama nating lahat ang kakulangan sa sapat na pagkain at nutrisyon kung sila ay mawawala. Dapat nating kilalanin ang Filipinong magsasaka.

Kapanalig, ang Filipinong magsasaka ay karaniwang mga lalake, at nasa late 40s na ang edad. Marami sa kanila ay nakatapos ng high school, at mga 53% ang nakatapos ng primary school. Karamihan sa kanila ay mahirap-nasa 31.6% ang poverty incidence sa kanilang hanay. Taon taon, ang mga magsasaka ay lagi na lamang nabibilang sa poorest of the poor ng bayan. Dapat ng mabago ito.

Ayon sa Gaudium et Spes, walang puwang ang karalitaang nagnanakaw ng dignidad ng tao sa isang lipunang nanalig sa Panginoon. Kung tunay tayong mga Kristyanong bansa, bakit nga ba lalong naghihirap ang mga maralita gaya ng ating mga bayaning magsasaka? Ang mga kataga  mula sa “A Place at the Table” ng mga US Catholics Bishops ay pumukaw sana sa ating mga puso- “Farmers in this country and around the world need living wages; access to health care; vacation time and family and medical leave; a voice and real participation in the workplace; and the prospect of a decent retirement. Work must be an escape from poverty, not another version of it.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 47,224 total views

 47,224 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 47,224 total views

 47,224 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 47,224 total views

 47,224 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 45,782 total views

 45,782 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 41,813 total views

 41,813 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 47,225 total views

 47,225 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 47,225 total views

 47,225 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 47,225 total views

 47,225 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 45,783 total views

 45,783 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top