Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Misyonero, kinilala ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 549 total views

Binigyan pagkilala ng simbahan ang mga binyagan bilang mga pangunahing misyonero sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano.

Ayon kay Bishop Socrates Mesiona, chairman ng Mission ministry ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, hindi ang mga pari at madre ng simbahan kundi ang mga layko ang may mahalagang gampanin sa Missio Ad Gentes na buong taong ipagdiriwang ng simbahang katolika sa paghahanda ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

“Hindi lamang mga pari kundi tayong lahat na mga layko lalu na ang mga Filipinong nasa ibayong dagat. They are in effect our missionaries to the mission kasi sila ang nasa frontier, sila yung talagang, kung makikita mo naman talagang mga Filipino sa ibang bansa sila ang nagbibigay ng buhay sa simbahan. So, in effect they are the living witness to our Christian faith,” ayon kay Bishop Mesiona sa programang Pastoral visit-on-air sa Radyo Veritas.

Sinabi ng mga layko ang pangunahing nagbibigay ng patotoo sa mga biyayang dulot ng pananampalataya kay Kristo.

Pinuri ni Bishop Mesiona ang mahalagang ginagampanan ng mga Overseas Filipino Worker sa iba’t-ibang panig ng mundo na nagbibigay buhay sa simbahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang pananampalataya sa kanilang mga pinaglilingkurang bansa.

Sa tala, may higit sa 10-milyon ang bilang ng mga O-F-W na nagtatrabaho sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa pagdiriwang na may temang Gifted to Give ay isa itong hamon na higit pang maging masigasig ang bawat binyagan na ipalaganap ang ebanghelyo ni Hesukristo.

“So ang gusto nating mangyari na this historic event ang magiging bunga nito ay na tayo we received the gift of faith na sana maging masigasig din tayo na magbahagi nito,” ayon sa obispo.

Kasabay nang pagsisimula ng adbiyento, inilunsad din ng CBCP-Episcopal Commission on Mission ang Missio Ad Gentes ang pinakahuling paksa para sa pagdiriwang ng simbahan sa ika-500 ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 51,082 total views

 51,082 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 62,799 total views

 62,799 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 83,632 total views

 83,632 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 99,354 total views

 99,354 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 108,588 total views

 108,588 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 4,938 total views

 4,938 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top