129 total views
Hinimok ng Buhay Partylist ang mga pari na isama sa kanilang pangangaral o homilya ang katuruan sa pagpapahalaga sa buhay.
Ayon kay Buhay Partylist Representative Lito Atienza, mahalaga ang pagmumulat ng mga pari sa mga layko gamit ang pulpito upang ipalaganap ang “culture of life” na siyang magiging gabay ng mga mananampalataya upang manindigan sa buhay at tutulan ang “culture of death.”
“It’s about time, we must stand up for life, we must defend life, and again, the leadership of council of the Laity is to be given credit. But I hope and pray,every priest in the church of the Parish, isasama sa Homily nila ang leksiyon na ating ipinaglalaban…. And I hope in this year every parish, every pulpit,every homily will carry the message of the culture of life.” panawagan ni Atienza sa panayam ng Veritas Patrol.
Nanindigan si Atienza na sa pamamagitan ng pagkilos ng mga pari ay magkakaroon pa ng pag – asa upang hindi na lamang maging manhid ang taumbayan sa talamak na pagpatay na hindi solusyon sa problema ng droga.
Katuwang ang Simbahan, sinabi ni Congressman Atienza na kahit na nangyayari ang blind vote sa Kongreso upang isulong ang death penalty ay umaasa pa rin ito na marami ring kongresista ang maninindigan sa buhay sa ngalan ng itinuturo ng kanilang pananampalataya sa pagkilala sa dignidad ng tao.
Ini-endorso rin ni Atienza ang gaganaping “Walk for Life” sa ika – 18 ng Pebrero taong kasalukuyan na susuportahan at dadaluhan ng mahigit 50 lay organizations and institutions na nasasakupan ng Metropolitan Province ng Archdiocese of Manila na gaganapin sa Quirino Grandstand mula 4:30 hanggang ika – 8 ng umaga kung saan lahat ay inaanyayahan magpatala at makiisa.
Naunang tiniyak ni Caritas Philippines National director Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na lalong nilang palakasin ang ugnayan ng mga parokya sa mga mamamayan ngayong “Year of the Parish”.
Read: http://www.veritas846.ph/ugnayan-ng-simbahan-sa-komunidad-papalakasin-kontra-culture-death/