177 total views
Ito ang naging panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity lalo’t tila ipinagkibit balikat na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naipangako niya noong nakaraang eleksyon.
Pinuna ni Bishop Pabillo ang hindi pagtugon ng punong ehekutibo sa problema ng mga contractual workers, matinding traffic at kahirapan dahil sa kawalan ng malinaw na programa ukol rito.
“May mga declaration siya noong tatakbo siya na hindi naman natupad. Sabi niya, 3-months wala ng ENDO,andiyan pa rin ang contractualization. Sinabi niya tanggalin ko yung traffic, andiyan pa din yung traffic problem. Marami siyang sinabi na hindi pinapatupad, yung kahirapan hindi tinutugunan,”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.
Sinabi pa ni Bishop Pabillo na umiikot lamang sa isang plataporma at programa ang binibigyang katugunan ng gobyerno ukol sa kampanya kontra iligal na droga na salungat naman sa pagpapahalaga ng buhay dahil mahigit anim na libo na ang napapatay.
“Hindi naman niya tinutuganan yung traffic, hindi naman niya tinugunan yung contractualization ng labor. Ito sana ay makakatulong din para maiwasan yung droga pero itong pagpatay ang kanyang ginawa hindi ba selective din siya sa kanyang pagpapatupad ng kanyang pangako?” giit pa ni Bishop Pabillo sa Veritas Patrol.
Noong nakaraang taong 2016, nanawagan na si Bishop Pabillo kay Pangulong Duterte na tuparin ang pangakong wakasan ang ENDO,traffic at kahirapan.
Read: http://www.veritas846.ph/tuparin-ang-pangakong-wakasan-na-ang-endo/
Nabatid sa pag –aaral ng nimbeo.com na nanatili pa rin sa ika – limang puwesto ang Pilipinas mula taong 2015 sa mga worst traffic in Asya habang bigo ang Department of Labor and Employment sa target na wakasan ang ENDO sa limampung porsiyento noong 2016.
Nauna na ring pinaalalahanan ni Pope Francis ang mga lider ng bansa sa buong mundo na maging daluyan ng pag – asa sa paglulunsad ng pro – poor program.