Obispo, tutol sa Palawan “underwater theme park”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 390 total reads

Hindi personal na sumasang-ayon si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo sa planong paggawa ng “Underwater Theme park sa Palawan.

Aminado si Bishop Arigo na hindi siya environmental expert ngunit naniniwala itong dapat na pag-aralang mabuti ng Department of Environment and Natural Resources ang epekto ng pagkakaroon ng artificial construction sa ilalim ng dagat.

Giit pa ni Bishop Arigo, kahit walang underwater theme park ay maganda na ang Palawan at hindi na ito kinakailangang galawin pa ng tao.

“Kailangang i-weigh ng mabuti yung damage siyempre merong artificial construction sa ilalim niyan medyo madi-disturb yung underwater life, yung mga coral reefs ay mada-damage, ako personally ang tingin ko kahit na walang ganong construction sa ilalim,yung mga scooba diving sights sa Palawan, itself, untouched by human hands ay napaka-ganda na.” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Nitong Martes ika-10 ng Enero inihayag ng Viacom International Media Network ang plano nitong pagtatayo ng 100 hektaryang undersea-themed development sa Coron Palawan, bilang bahagi ng 400-hectare development ng Coral World Park, Viacom’s Philippine partnership.

Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si na hindi maaaring mapahintulutan ang mga gawaing sisira sa kalikasan at magdudulot ng paghihirap sa mamamayan lalo na sa mga kapus-palad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,736 total reads

 75,736 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,034 total reads

 154,034 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,481 total reads

 187,481 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,778 total reads

 222,778 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,267 total reads

 446,267 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 38,077 total reads

 38,077 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,963 total reads

 30,963 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top