157 total views
Naglaan ng 101-milyong piso ang Department of Interior and Local Government sa mahigit 1,500 dating rebelde sa pamahalaan.
Ayon kay DILG Secretary Ismael Sueno, sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program o CLIP, ay mapagbubuti ang ugnayan sa pagitan ng New People’s Army at tuluyan nang mareresolba ang mga alitan sa pagitan ng pamahalaan.
“The program has brought former rebels back into society with their families as productive, peace-loving, and law-abiding citizens,” bahagi ng pahayag ni Sec. Sueno.
“Sa ilalim pa ng CLIP agad na pagkakalooban ng 15,000 piso ang isang dating rebelde upang tustusan ang kanyang mga gastusin habang pinoproseso ang pagbibigay naman ng halagang 50,000 piso para sa livelihood.” pahayag ni Sueno sa Radio Veritas.
Kaugnay dito, ngayong 2017 ay hinimok ni Sueno ang iba pang mga rebelde na suportahan ang mga programa ng pamahalaan lalo na ang patuloy na peace talks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines.
“The President and the whole of government genuinely wish to put an end to one of the world’s longest running insurgencies. Let’s talk and work together for a just and enduring peace this year and beyond,” pahayag ng kalihim.
Magugunitang unang nanawagan ang mga Obispo ng Pilipinas ng pagkaksundo upang mamayanin ang kapayapaan at pagibig sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo.