Lending companies, binalaan sa “usury lust”

SHARE THE TRUTH

 222 total views

Pinaboran ng dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong programa ng pamahalaan na “P3 Program” o Pondo sa Pagbabago at Pag–asenso na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapalitan ang mga “5-6” money lending system.

Ayon kay Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, maganda ang programang ito ng pamahalaan ngunit hinamon nito ang gobyerno na maging ‘transparent’ at maging masikap na maabot ang mga mahihirap na micro – entrepreneur, market vendors at magsasaka sa naturang programa.

Bagamat hindi sang – ayon ang nakararaming Pilipino sa naturang programa, ipinaliwanag ni Archbishop Cruz na mas makabubuti ang P3 dahil sa mas mababang interes 10 percent per annum lamang ang ipapatong ng gobyerno sa mangungutang, mas mababa sa 20 percent na ipinapatong ng mga “5-6” lending company.

“Ang pagpapautang ay okay basta ang interes lamang ay hindi naman ‘usurious interest.’ Ibig sabihin talagang hindi makatwiran yung magpapautang ka, pagkatapos yung nangutang sa iyo hirap na hirap magbayad at hindi lang ganun kundi ang ipinangbabayad ay yung kanilang kinikita,”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Binalaan naman ni Archbishop Cruz ang ilang nagpapautang na nagpapatong ng napakalaking tubo na humahantong sa “usury lust” o bisyo ng mas mataas na interes at hindi na iniisip ang kanilang pinautang na halos nagdurusa.

“Usury’ ang tawag dun o ‘usury lust,’ masyadong napakalaki ang interes. Samakatuwid, ang nangungutang ay hindi nakikinabang kundi sila pa ang nagdurusa. ‘Usury’ is very unwelcome and it is a definitely a vice, bisyo iyan,” paglilinaw pa ni Archbishop Cruz sa Veritas Patrol.

Nabatid na ngayong buwan target ng Department of Trade and Industry ang Mindoro, Saranggani at Leyte na kabilang sa 30 mahihirap na probinsiya sa buong bansa na makikinabang sa P3.

Samantala, nauna na ring sinabi ni Apostol San Pablo sa kanayang unang sulat kay Timoteo na ang pagmamahal ng salapi ay siyang pinag – uugatan ng lahat ng kasakiman at kasamaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 150 total views

 150 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,512 total views

 25,512 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,140 total views

 36,140 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,162 total views

 57,162 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,867 total views

 75,867 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 57,986 total views

 57,986 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 83,801 total views

 83,801 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 125,365 total views

 125,365 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top