Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 2,454 total views

Ang Mabuting Balita, 28 Nobyembre 2023 – Lucas 21: 5-11

MGA PEKENG PROPETA

Noong panahong iyon, pinag-uusapan ng ilang tao ang templo – ang kahanga-hangang mga bato na ginamit dito at ang mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Kaya’t sinabi ni Jesus, “Darating ang panahong lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, walang batong ititira sa ibabaw ng kapwa bato.”

Tinanong nila si Jesus, “Guro, kailan po ito mangyayari? At ano ang magiging palatandaan na ito’y magaganap na?” Sumagot siya, “Mag-ingat kayo at nang hindi mailigaw ninuman! Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan na magsasabi, ‘Ako ang Mesias!’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. Huwag kayong mabagabag kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi darating karaka-raka ang wakas.” At sinabi pa niya, “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit.”

————

Nakakatakot ang ebanghelyo tulad ng prediksyon kamakailan lamang na magkakaroon ng “solar storm” mula Nobyembre 25 hanggang Nobyembre 26 na maaaring tumama sa mundo at magkaroon ng isang “geomagnetic storm” na gugulo sa “magnetic field” at “atmosphere” ng mundo.

Nagsalita si Jesus tungkol sa mangyayari sa Templo ng Jerusalem at siya’y tinanong nila kung kailan ito mangyayari. Hindi niya sinabi kung kailan, ngunit sinabihan sila na huwag paliligaw o magpalinlang sa mga magpapanggap na Mesiyas, o sa maikling salita, huwag magpalinlang sa MGA PEKENG PROPETA. Tunay na napakaraming pekeng propeta ngayon, at ang pinakamasama ay yaong ginagawa ang mali na tama, o ginagawa ang imoral na moral. Binabaluktot nila ang mga nakasulat sa Bibliya nang magamit para sa kanilang pangangailangan. Ang tunay na nakakatakot ay hindi ang mga malalakas na lindol, taggutom at salot sa iba’t ibang dako. Ang tunay na nakakatakot ay kapag ang mga ito ay maganap at tayo ay masawi, at hindi natin makamit ang buhay na walang hanggan sapagkat hinayaan nating malinlang tayo ng MGA PEKENG PROPETA.

Panginoon, nais namin maging laging handa na matawag sa mundong ito upang makamit namin ang buhay na walang hanggan kasama mo!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 10,437 total views

 10,437 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 24,497 total views

 24,497 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 43,068 total views

 43,068 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 68,162 total views

 68,162 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

TRULY DIFFERENT

 1,985 total views

 1,985 total views Gospel Reading for July 24, 2025 – Matthew 13: 10-17 TRULY DIFFERENT The disciples approached Jesus and said, “Why do you speak to

Read More »

CONSTANTLY OPEN

 2,699 total views

 2,699 total views Gospel Reading for July 23, 2025 – Matthew 13: 1-9 CONSTANTLY OPEN On that day, Jesus went out of the house and sat

Read More »

TEMPORARY

 4,683 total views

 4,683 total views Gospel Reading for July 20, 2025 – :Luke 10: 28-32 TEMPORARY Jesus entered a village where a woman whose name was Martha welcomed

Read More »

GREATEST MARTYR

 3,985 total views

 3,985 total views Gospel Reading for July 19, 2025 – Matthew 12: 14-21 GREATEST MARTYR The Pharisees went out and took counsel against Jesus to put

Read More »

TGFS

 3,950 total views

 3,950 total views Gospel Reading for July 18, 2025 – Matthew 12: 18 TGFS Jesus was going through a field of grain on the sabbath. His

Read More »

28-30 IN CONTROL

 5,771 total views

 5,771 total views Gospel Reading for July 17, 2025 – Matthew 11: 28-30 IN CONTROL Jesus said: “Come to me, all you who labor and are

Read More »

OVERLEARNED

 5,766 total views

 5,766 total views Gospel Reading for July 16, 2025 – Matthew 11: 25-27 OVERLEARNED At that time Jesus exclaimed: “I give praise to you, Father, Lord

Read More »

TOO LATE

 7,461 total views

 7,461 total views Gospel Reading for July 15, 2025 – Matthew 11: 20-24 TOO LATE Jesus began to reproach the towns where most of his mighty

Read More »

TEMPORARY

 8,084 total views

 8,084 total views Gospel Reading for July 14, 2025 – Matthew 10: 34 – 11: 1 TEMPORARY Jesus said to his Apostles: “Do not think that

Read More »

GLORIOUS SELF

 7,313 total views

 7,313 total views Gospel Reading for July 13, 2025 – Luke 10: 25-37 GLORIOUS SELF There was a scholar of the law who stood up to

Read More »
1234567