Para saan ang confidential funds?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 108,426 total views

Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng lokal na pamahalaan. 

Ayon kay Mayor Roseller “Boots” Rodriguez, naging inspirasyon niya ang ginawa ni Mayor Leni Robredo sa Naga City. Mula 2022, nakatatanggap ang Capas ng walong milyong piso kada taon para sa mga operasyon laban sa droga at krimen. Pero nakita ni Mayor Rodriguez na nasasaklaw na ito ng kanilang Peace and Order and Public Safety Plan. Kaya’t inilipat niya ang pondo sa mga programang may mas malinaw at direktang serbisyo sa tao, gaya ng mga estudyante at nakatatanda.

Mula sa pangalan pa lang, ang confidential and intelligence funds ay para sa mga gastusing may kinalaman sa pagmamanman at seguridad. Ayon sa joint circular noong 2015 ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno katulad ng Commission on Audit at Department of Budget and Management, maaaring gamitin ang confidential funds sa pangangalap ng impormasyon, pagrerenta ng kagamitan o sasakyan, pagpapanatili ng safehouses, at pagbibigay ng reward sa mga impormante. Layon ng mga ito na tuklasin at pigilan ang mga banta sa tauhan, ari-arian, o pasilidad ng gobyerno, at kailangang isinasagawa ito katuwang ang mga lehitimong law enforcement agencies.

Pero may mga limitasyon sa paggamit ng confidential funds. Hindi ito maaaring gamitin sa suweldo, benepisyo, o bonus ng mga empleyado ng pamahalaan. Bawal din itong gamitin sa mga kasiyahan kapag may okasyon, consultancy fees, o mga proyektong pang-imprastruktura. May mga hakbang ding inilatag upang matiyak ang tamang paggamit nito. Kailangang magsumite ng physical at financial plan ang mga lokal na pamahalaan bilang suporta sa kanilang kahilingan para sa confidential and intelligence funds. Dapat malinaw sa plano ang tinatayang halaga para sa bawat proyekto, aktibidad, at programa.

Gayunman, isa sa mga pinakakritikal na isyu sa ganitong pondo ay ang posibilidad ng maling paggamit nito dahil confidential nga. Maaaring itago ang mga detalye sa ngalan ng seguridad. Kapag itinatago, hindi na ito masusuri ng publiko. Sa kasalukuyan, ito ang kinahaharap na kontrobersya ni VP Sara Duterte, matapos lumabas na may mga kaduda-dudang confidential funds recipients sa mga opisinang pinamunuan niya noon.

Turo ng ating Simbahan: tungkulin nating lahat na kumilos lagi patungo sa katotohanan. Maaari ditong iangkla ang panawagan para sa pagiging bukás at tapat ng ating mga lider, lalo na pagdating sa usapin kung saan napupunta ang pera ng taumbayan. Bilang mga nagbabayad ng buwis, tungkulin nating tiyakin na ang pondong ginagamit ng pamahalaan ay napupunta sa tama, at hindi sa mga kaduda-dudang aktibidad o kathang-isip na mga tao.

Maaaring hindi angkop para sa lahat ng LGU ang ginawa ng mga mayor ng Naga at Capas. Sa mga lugar na may totoong banta sa seguridad at kapayapaan, maaaring kailanganin pa rin ang confidential funds upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Ang mahalaga ay gamitin ito nang responsable at may masusing oversight

Magkaugnay ang pagiging bukás sa publiko at ang mabuting pamamahala ng mga nasa gobyerno. Kailangan natin ng mga opisyal na marunong magsuri. Kailangan natin ng mga lider na tinatanong ang kanilang sarili: “Nagamit ba ang pondong ito sa tamang paraan? Paano ko ito magagamit nang mas epektibo? Makikinabang ba rito ang aking mga nasasakupan?” Kailangan din natin ng mga pinunong bukás matuto mula sa mabubuting halimbawa ng iba.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Lucas 16:10, Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.” Sa paggamit ng pondo ng bayan—confidential man o hindi—kailangang may pananagutan sa mamamayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 27,577 total views

 27,577 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 50,729 total views

 50,729 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 120,843 total views

 120,843 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 195,457 total views

 195,457 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 273,506 total views

 273,506 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 27,578 total views

 27,578 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 50,730 total views

 50,730 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 120,844 total views

 120,844 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 195,458 total views

 195,458 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top