“Defending the defenders is defending democracy”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 127,567 total views

Mga Kapanalig, ipagtanggol ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao!

Ito ang sigaw ng mga human rights advocates sa pangunguna ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (o PAHRA), Task Force Detainees of the Philippines, at ilang grupo ng kababaihan kamakailan. Sa isang pagtitipon, sama-sama silang tumindig sa gitna ng patuloy na panggigipit sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. 

Nanawagan silang palayain si Ma. Salome Ujano o mas kilalang “Nanay Sally.” Inilaan ni Nanay Sally ang halos buong buhay niya para isulong at protektahan ang karapatan ng kabataan at kababaihan. Ayon kay Jean Enriquez, executive director ng Coalition Against Trafficking in Women – Asia Pacific, nagpapadaloy sila ng isang group healing session para sa mga survivors ng pang-aabuso nang mabalitaan nila ang kasong rebelyon laban kay Nanay Sally. Inaresto si Nanay Sally noong 2021 dahil sa pagkakasangkot niya diumano sa isang ambush sa Quezon noong 2005. Dalawang sundalo ang namatay sa naturang ambush. Nakapagpiyansa si Nanay Sally noong 2022, ngunit nahatulan siya noong May 2024 at napatawan ng parusang 10 hanggang 17 taóng pagkakakulong. Naghain na ng apela ang kanyang mga abogado. 

Naniniwala ang maraming human rights advocates na politcally-motivated o may bahid ng pulitika at walang batayan ang kaso ni Nanay Sally. Paliwanag ni PAHRA Secretary-General Egay Cabalitan, sumasalamin ang nangyari kay Nanay Sally sa malawakang panggigipit sa human rights advocates. Ang pagkakapiit ni Nanay Sally ay porma ng kawalan ng katarungang nakaugat sa kagustuhan ng mga nasa poder na patahimikin ang mga nagsusulong sa karapatang pantao. 

Kasabay ng panawagan na palayain si Nanay Sally ang kahilingang isabatas na ang Human Rights Defenders Protection Bill. Layunin ng panukalang batas na palakasin ang legal framework upang protektahan ang human rights advocates sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang trabaho bilang isang lawful occupation o propesyon. Kung may ganitong pagkilala, maoobliga ang estado na igalang at protektahan ang karapatan ng mga nagtataguyod ng human rights sa bansa. 

Ayon pa sa PAHRA, ang pagpapalaya kay Nanay Sally ay hindi lamang tungkol sa isang tao kundi sa paggalang natin, bilang isang bansa, sa karapatang pantao at demokrasya. Para sa grupo, “defending the defenders is defending democracy.” Kung isasabatas ang Human Rights Defenders Protection Bill, kinikilala natin ang kahalagahan ng pagtatrabaho para sa karapatang pantao bilang haligi ng pagbubuo ng isang makatarungan at makataong lipunan. 

Sang-ayon ito sa sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na magkakaroon ng makatarungang lipunan kung nakabatay ito sa paggalang sa dignidad at karapatan ng tao. Katulad ng sinasabi sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, mahalagang tingnan natin ang bawat isa bilang bahagi rin ng ating sarili, bilang kapwa o karugtong ng ating pagkatao. Sa ganitong paraan, maisasaalang-alang natin ang pangangailangan ng bawat taong mabuhay nang may dignidad. Sa ganitong paraan, hindi tayo matutulad sa mayamang lalaki sa Lucas 16:19-31. Sa kuwento, kumakain nang sagana araw-araw ang mayamang tao na nagsusuot ng mamahaling damit habang nakulapasay si Lazaro sa kanyang pintuan at kumakain ng anumang nahuhulog sa mesa. Walang pakialam ang mayamang lalaki sa pinagdaraanan ng kanyang kapwa! 

Mga Kapanalig, ang buhay ni Nanay Sally ay halimbawa ng pagbabahagi ng sarili para makamit ng iba—o ng mga katulad ni Lazaro sa panahon natin ngayon—ang pagkilala sa kanilang dignidad at mga karapatan. Sa mundong punô ng mga taong katulad ng mayamang lalaki sa Ebanghelyo ni San Lucas, piliin nating maging kagaya ni Nanay Sally at iba pang human rights advocates. Samahan po natin sila sa kanilang mga panawagan: palayain si Nanay Sally, isabatas ang Human Rights Defenders Protection Bill, kilalanin ang dignidad ng lahat, at protektahan ang karapatang pantao!

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 17,969 total views

 17,969 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 38,950 total views

 38,950 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 61,378 total views

 61,378 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 234,950 total views

 234,950 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 211,350 total views

 211,350 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Konkretong paraiso?

 17,970 total views

 17,970 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 38,951 total views

 38,951 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 61,379 total views

 61,379 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 234,951 total views

 234,951 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »
Scroll to Top