Performance ni PBBM, pasang-awa sa mga opisyal ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,970 total views

Nakukulangan ang ilang opisyal ng simbahan sa naging panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pamahalaan ang bansa sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Ito ay kaugnay na rin sa inaasahang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Marcos sa Lunes, July 28.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, bagama’t may mg nagawa ang Pangulo, hindi ito sapat upang tunay na maramdaman ng karaniwang mamamayan ang pagbabago.

“I’m giving him a grade of 5 (10 ang pinakamataas) — meron naman siyang nagawa pero kulang,” pahayag ng Obispo ilang araw bago ang inaasahang pag-uulat ng Pangulo sa bayan.

“Lahat — basically lahat — kulang,” dagdag pa niya sa isang panayam ng Radyo Veritas.

Ipinunto rin ni Bishop Gaa na ang SONA ay madalas nagiging plataporma lamang ng mga nais iparinig ng pamahalaan, sa halip na maging tapat na pagsasalarawan ng tunay na kalagayan ng bansa.

“Ang SONA kasi, sometimes it’s what you want people to hear,” saad Gaa. “Pero ano nga ba ang gusto kong marinig? Gusto kong makarinig ng katotohanan.”

Sa panig naman ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs (CBCP-ECPA), “I give him 5, which in my estimation is already a generous rating. But that is mostly for his calm demeanor in handling government affairs. It can go up to 7 if this calmness turns into aggressiveness in effectively solving our nation’s woes.”

“I wish PBBM to be a wise economic manager, tough political leader and a brave visionary who’ll lead us for the next three years,” ayon pa kay Fr. Secillano.

Singko o 5 din ang ibinigay na grado ni Fr. Joel Saballa ng Caritas Novaliches sa Pangulo.

“Kasi may mga nagawa ang mga executive department like DOLE, DSWD ramdam ng taong bayan. (Dapat) paigtingin ito para mas lalong makita meron tayong gobyerno,” ayon kay Fr. Saballa.

Hinimok din ni Bishop Gaa, si Pangulong Marcos na maging bukas sa pagtalakay ng mga mahahalagang isyung kinakaharap ng bansa gaya ng kahirapan, edukasyon, at kalusugan — mga usaping matagal nang nangangailangan ng konkretong solusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,318 total views

 51,318 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,187 total views

 47,187 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,389 total views

 83,389 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,988 total views

 91,988 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,974 total views

 116,974 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top