Katatagan at determinasyon sa pamumuno, nais ng opisyal ng CBCP kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,947 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilahad sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang malinaw, direkta, at epektibong mga patakaran upang tugunan ang mga pangunahing suliranin ng bansa.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Public Affairs (CBCP-ECPA), hindi maaaring ipagwalang-bahala ang mga isyu ng kahirapan, katiwalian, kawalan ng trabaho, at kakulangan sa serbisyong pangkalusugan na patuloy na kinahaharap ng sambayanang Pilipino.

“Poverty, corruption, employment and health care are issues that directly affect Filipinos. It would be a disservice to the people if the President would not present clear policy directions that will address them,” ayon kay Fr. Secillano.

Binigyang-diin diin ng pari na kahit pa ipinagmamalaki ng administrasyon ang sinasabing mga tagumpay sa ekonomiya, hindi nito nababago ang katotohanang maraming Pilipino pa rin ang naghihirap at nagugutom.

“Enough is never enough when faced with the gargantuan task of addressing issues of poverty, hunger and unemployment. All those alleged economic breakthroughs reflected in numbers do not actually erase the reality that majority of Filipinos are still economically poor, dying from hunger and suffering from unemployment. In short, this administration still has a lot of work cut out for them to effectively address these issues.”

Nais din ng pari na marinig sa SONA ang mga kongkretong solusyon sa mga krisis na nararanasan ng karaniwang mamamayan.

“I wanna hear clear, direct, and effective policy strategies and solutions regarding existential crisis affecting the everyday Filipinos. He should avoid using platitudes and feel-good narratives that are clearly meant merely to impress but not realistically and effectively meant to provide solutions to the pressing issues we face.”

Bukod sa malinaw na direksyon, umaasa rin si Fr. Secillano na makikita sa Pangulo ang higit na katatagan at determinasyon sa pamumuno.

“As President, BBM should exude political toughness and aggressiveness in pushing our country forward and in alleviating the plight of Filipinos. I admire his prudence in speech, interpreted as decency, but I find it irrelevant if he will not be aggressive in taking action to make all government apparatus work for the good of all and not just the interest of a few.”

Bagama’t kinikilala ng pari ang kalmadong pamumuno ng Pangulo bilang isang positibong katangian, iginiit niyang higit na mahalaga ang pagiging masigasig at maagap sa pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng bansa.

Ipinaabot din ni Fr. Secillano ang kanyang hangarin na makita si Pangulong Marcos bilang isang matalinong tagapamahala ng ekonomiya, matatag na lider sa larangan ng politika, at matapang na pinunong may malinaw na bisyon para sa kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 218,897 total views

 218,897 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 249,121 total views

 249,121 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 275,765 total views

 275,765 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 370,738 total views

 370,738 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 377,598 total views

 377,598 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top