Ngayon ang panahon para magmalasakit, magkaisa, at magkapit-bisig.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,980 total reads

Ito ang paalala ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, sa sambayanang Pilipino ngayong humaharap ang bansa sa matinding pagsubok dulot ng pinagsamang epekto ng hanging Habagat na pinalakas ng mga Bagyong Crising, Dante, at Emong.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang pagtutulungan ng bawat isa, sa anumang paraan, upang makapagligtas ng buhay at makapaghatid ng pag-asa sa kapwa.

Binigyang-diin ng obispo ang kahalagahan ng mga simpleng gawaing makatutulong sa kapwa at kalikasan, tulad ng pagpupulot ng basura, paglilinis ng mga baradong daluyan ng tubig, at pag-uulat ng mga sirang linya ng kuryente.

“Kailangan natin ang pagkalinga, pagtutulungan, at pagkakaisa. Marami tayong maaaring gawin–maliit man o malaki, lahat ay may halaga… mga simpleng gawaing maaaring magligtas ng buhay at magbigay ng pag-asa,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Bukod dito, nanawagan din ang obispo ng panalangin para sa kaligtasan at katatagan ng mga nasalanta, gayundin para sa mga volunteer na buong lakas na naglilingkod upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Tiniyak naman ni Bishop Bagaforo na mananatiling katuwang ang simbahan upang sa gitna ng kadiliman ay maging liwanag ng pag-asa at biyaya para sa mga dumaraan sa matinding pagsubok.

“Ang simbahan–ang Caritas Philippines at ang lahat ng Caritas sa bawat sulok ng bansa–ay nagsasama-sama upang maglingkod, mag-alaga, at magbigay-pag-asa sa lahat. Anuman ang pinagmulan, sa gitna ng pagsubok, tayo ay inaanyayahang maging biyaya sa isa’t isa,” saad ni Bishop Bagaforo.

Para sa mga nais magpaabot ng suporta at donasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Facebook pages ng Caritas Philippines at Alay Kapwa upang malaman ang kumpletong detalye ng pagpapadala ng tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 79,541 total reads

 79,541 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 114,106 total reads

 114,106 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 149,406 total reads

 149,406 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,675 total reads

 375,675 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,781 total reads

 264,781 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,163 total reads

 155,163 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top