Radyo Veritas 846, pinarangalan ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,831 total reads

Kinilala ng Commission on Elections (COMELEC) ang Radyo Veritas 846 – Ang Radyo ng Simbahan bilang isa sa mga kaakibat ng komisyon sa matagumpay na pagsasagawa ng nakalipas na Pambansa at Lokal na Halalan noong May 12, 2025.

Sa naganap na Gabi ng Pasasalamat noong ika-18 ng Hulyo, 2025 ay kinilala ng COMELEC ang iba’t ibang mga grupo, organisasyon, institusyon at media agencies na tuwinang kaakibat ng komisyon sa pagsasagawa ng mapayapa, matapat, at marangal na halalan sa Pilipinas.

Ayon sa komisyon na pinangangasiwaan ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, mahalaga ang aktibong partisipasyon at pakikipagtulungan sa ahensya ng iba’t ibang mga instistusyon at grupo sa bansa upang matiyak ang patuloy na pag-iral ng demokrasya ng bansa.

“In recognition of the successful conduct of the 2025 National and Local Elections, the Commission on Elections takes great pride in hosting a Stakeholders’ Appreciation Night. This event serves not only to honor the collective dedication and cooperation demonstrated throughout the elections but also to reaffirm our steadfast commitment to democratic governance and to foster continued collaboration for credible, transparent, and inclusive elections in the future.” Bahagi ng mensahe ng COMELEC.

Bilang pasasalamat at pagkilala sa mahalagang papel na ginampanan ng Radyo Veritas 846 – Ang Radyo ng Simbahan bilang kaakibat ng Komisyon sa Halalan ay isang puno ang ipinangalan ng komisyon sa himpilan sa isinagawa nitong Tree Planting Activity na tinaguriang “Partners for Democracy (One Vote, One Tree)”.

“As a symbol of our gratitude and in honor of your contribution to the democratic process, a tree shall be planted under your agency’s name by the Commission.” Dagdag pa ng COMELEC.

Bilang kongkretong hakbang sa paggabay sa mga mamamayan upang maging mapanuri at matalinong botante sa halalan ay inilunsad ng Radyo Veritas 846 – Ang Radyo ng Simbahan ang ‘One Godly Vote’ education campaign noong 2021.

Bahagi ng nasabing voters education campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila ang ‘Radio Veritas One Godly Vote Catholic E-Forum’ na layong ipakilala sa mga botante ang mga kandidato sa matataas na posisyon ng pamahalaan kabilang na ang pampanguluhan, pangalawang pangulo at senador.

Layunin ng One Godly Vote election campaign ng Radyo Veritas 846 na gabayan ang bawat botante sa maka-Diyos na pagpili ng mga bagong opisyal ng bayan na nangangahulugan sa pagsasantabi ng mga botante sa kanilang pansariling kapakanan at pagbibigay prayoridad sa tunay na ikauunlad at ikabubuti ng bayan lalo na ang common good o kabutihan ng mas nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 64,453 total reads

 64,453 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 102,379 total reads

 102,379 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 136,507 total reads

 136,507 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 192,913 total reads

 192,913 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 29,715 total reads

 29,715 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top