Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,469 total reads

Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Apostol, 25 Hulyo 2025, 2 Cor 4:7-15; Mat 20:20-28

“Nanindigan ako, kaya’t nagsalita ko.”

Galing sa Aklat ng mga Salmo ang binanggit na quotation (siping pahayag) ni San Pablo sa ating unang pagbasa. Nasa Psalm 116:10 ito. Sa Ingles, “I believed, therefore I spoke.” Parang kahawig ng pangungusap ng isang kilalang pilosopong Frances na ang pangalan ay Rene Descartes: “Cogito, ergo sum.” Nag-iisip ako; kung gayon umiiral ako. Pero kay San Pablo, iba: “Credo, ergo loquor.” Naniniwala ako; kung gayon nagsasalita ako. O sa mas simpleng Tagalog, Pinaninindigan ko ang sinasabi ko. Ibig sabihin: “Handa akong itaya ang buhay ko sa salitang binibigkas ko.”

Parang ganito rin ang punto ni Hesus sa magkapatid na anak ni Zebedeo—Santiago at Juan—sa ating ebanghelyo. Sa totoo lang, medyo nagtataka nga ako kung bakit ba ito ang binabasang ebanghelyo sa araw ng kapistahan ni Apostol Santiago. Kahiya-hiya kasi ang dating ng kuwento. Kasi, hindi naman sila kundi ang nanay nila (sa version ni San Mateo) ang nagpaabot kay Hesus tungkol sa gusto ng dalawang magkapatid.

Sa Tagalog may tawag sa ganyan: “Nanghihiram ng bibig.” At ano ang gusto nila? Pwede daw bang maluklok sila o mapwesto sa kaliwa’t kanan ni Hesus sa kanyang kaharian? Kung gagawa tayo ng kaunting “reading between the lines” dito, parang ganito ang sagot ni Hesus, “Brods, hindi ninyo kailangan manghiram ng bibig. Kung iyon ang hinihiling ninyo, sabihin na lang ninyo ng diretso. At ito naman ang isasagot ko sa inyo, “Hindi ninyo alam ang hinihingi ninyo… Kaya ba ninyong panagutan ito pagdating ng panahon?”” Sagot nila, “Oo naman, kaya namin.”

Titser na titser ang dating ni Hesus sa magkapatid, ang mga bunso sa mga alagad niya. Tinuturuan sila na magsalita nang tama. Na kung gusto nila na paniwalaan ang mabuting balita na kanilang ipahahayag, dapat panindigan nila ang kanilang salita. Na kung di nila kayang itaya ang buhay nila, huwag na lang nilang gawin o sabihin.

Kaya nasabi ni San Pablo sa unang pagbasa na ang hatid niyang mabuting balita ay para bang “kayamanan nakasilid sa isang marupok na palayok”. Na ang tunay na nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa kanyang mga salita ay ang Diyos, hindi ang sarili niya. Na ang dala niyang lakas sa mahinang pagkatao niya ay hindi kanya galing kundi sa pakikiisa niya sa pagkatao ni HesuKristo. Kaya nasabi niya, “Kahit gipitin kami, di kami malupig; kahit maguluhan kami, di kami mawalan ng pag-asa; kahit usigin kami, di kami matalo; kahit saktan kami, di kami mapatay.”

Sa unang ordinasyon na tinanggap ko noong 1982–ang ordinasyon sa pagka-diyakono, tandang-tanda ko pa ang sinabi ng obispo habang ibinibigay niya sa akin ang Book of Gospels: “Tanggapin mo ang Salita ng Diyos bilang tagapagpahayag nito. PANINDIGAN mo ang BINABASA mo, ITURO mo ang PINANINDINDIGAN mo at ISAGAWA mo ang ITINUTURO mo.” Ito kasi ang itinuro ni Hesus sa atin upang tayo rin ay matutong magpahayag ng salitang may kapangyarihang magpabago sa sangkatauhan at sa sandaigdigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,772 total reads

 75,772 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,623 total reads

 110,623 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,923 total reads

 145,923 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,192 total reads

 372,192 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,476 total reads

 261,476 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,210 total reads

 14,210 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,855 total reads

 19,855 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,123 total reads

 19,123 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top