Komprehensibong pagtugon sa problema sa baha, dapat ilatag ni PBBM sa SONA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,355 total reads

Umapela si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. sa pamahalaan ng komprehensibong pagtugon sa suliranin ng baha sa bansa.
Ito ang panawagan ng obispo kaugnay sa naranasang malawakang pagbaha dulot ng Habagat, Bagyong Crising, Dante at Emong na magkasunod sumalanta sa Pilipinas.

Ayon sa obispo napapanahon ang panawagan lalo’t nalalapit na ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itinakda sa July 28, 2025.
“Isa itong panawagan sa pamahalaan na maging seryoso sa paglutas ng problema ng baha—isang paulit-ulit na krisis na nangangailangan ng komprehensibong tugon,” pahayag ni Bishop Ayuban sa Radyo Veritas.

Sinabi ng obispo na lubhang nakababahala ang patuloy na paglala sa sitwasyon ng baha sa bansa lalo na sa Metro Manila kaya’t dapat na tututukan ito ng pamahalaan.
“Hindi sapat ang pagiging resilient. Ang mga Pilipino ay karapat-dapat sa maayos at sapat na tugon sa suliraning ito,” giit ni Bishop Ayuban.

Tinukoy ni Bishop Ayuban ang pagsasaayos ng mga drainage system gayundin ang panawagan sa mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng mga basura na kadalasang sanhi ng pagbaha lalo na sa urban areas.
Matatandaang sa 2025 General Appropriations Act mahigit sa 700-bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan bilang national flood control budget sa lahat ng ahensya na ayon kay Senator Joel Villanueva nasa 1.4-bilyong piso ang inilaan araw-araw para sa flood control projects subalit nanatiling lumulubog sa baha ang maraming lugar sa bansa.

Gayunpaman naunang na-veto ni PBBM ang 16.7-bilyong pisong halaga ng flood control projects sa iba’t ibang rehiyon kung saan pinakamalaki ang pitong bilyong piso sa Region 3 na sinundan ng 3.2 bilyong piso sa Region 2; Region 5 with P2.73 billion; National Capital Region P1.75 billion; Region 1 P1.1 billion; Region 6 P300 million; Region 4A P275 million; Region 4B P250 million, at region 7 P100 million.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa halos 300-libong katao ang inilikas dahil sa mga pagbaha bunsod ng mga Bagyong Crising, Dante at Emong na nagpapalakas sa Habagat.
Nasa tatlong libong mga bahay naman ang napinsala, 25 ang nasawi dahil sa baha, landslide at electrocutions habang walong katao pa rin ang nawawala.

Muling iginiit ni Bishop Ayuban na bigyang pansin ang kahalagahan ng ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si kung saan hinimok ang bawat isa na magtulungang pangalagaan ang kalikasan upang maiwasan ang tuluyang pagkasira lalo’t kadalasang biktima sa epekto nito ang mga mahihirap at mahihinang sektor ng lipunan.

“The climate is a common good, belonging to all and meant for all”(Laudato Si’, 23)…Many of the poor live in areas particularly affected by phenomena related to warming… They have no other financial activities or resources which can enable them to adapt to climate change or to face natural disasters,” (Laudato Si’, 25).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,284 total reads

 78,284 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,935 total reads

 112,935 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,235 total reads

 148,235 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 374,504 total reads

 374,504 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,680 total reads

 263,680 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top