Tugon sa “triple planetary crisis”, panawagan ng BAN Toxics kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,060 total reads

Nanawagan ang BAN Toxics kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng mas malawak na hakbang laban sa “triple planetary crisis” dulot ng climate change, polusyon, at pagkaubos ng likas na yaman.

Ayon kay BAN Toxics Deputy Executive Director Jam Lorenzo, nakatuon lamang ang pamahalaan sa flood control at post-disaster aid, habang kailangan ng mga polisiya tulad ng fossil fuel phaseout, nationwide plastic ban, at moratoryo sa malakihang pagmimina.

“We also demand climate accountability from big corporations that have caused and continue to contribute to environmental harm and negative impacts on communities,” ayon kay Lorenzo.

Binatikos din ni Lorenzo ang patuloy na pag-asa ng bansa sa coal na may 57% ng power mix at pagpapalawak ng fossil gas projects, gayundin ang kakulangan ng mas mataas na target para sa renewable energy (RE) kumpara sa pamantayan ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) na 60–70% RE share sa 2030 upang mapanatili ang 1.5°C global warming limit.

Kasabay nito, binigyang-diin ng BAN Toxics ang krisis sa basura matapos makolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos 77 metriko toneladang basura sa Metro Manila, na karamiha’y plastic.

Iginiit ng grupo na hindi sapat ang kasalukuyang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act at sa halip, dapat isulong ang nationwide ban sa single-use plastics.

Samantala, umapela naman ang BAN Toxics sa pamahalaan na ipatupad ang moratoryo sa large-scale mining contracts, habang isinusulong ang pag-amyenda sa RA 7076 o ang People’s Small-Scale Mining Act, upang mapalakas ang lokal na industriya ng pagmimina sa paraang tunay na napapanatili at nakatuon sa pangangalaga ng kalikasan.

“Instead of further opening the country to foreign plunder, the government should shift its focus on supporting our artisanal and small-scale miners, who have the potential to contribute meaningfully to the national economy. This support must include capacity-building and access to environmentally sound technologies,” ayon kay Lorenzo.

Binigyang-diin naman ng grupo na ang hindi sapat ang pagbabago sa pag-iisip ng mamamayan bagkus, kailangang baguhin ang sistema upang tunay na matugunan ang ‘new normal’ na dulot ng krisis sa klima.

Una nang binigyang-diin ng namayapang Papa Francisco sa Laudato Si’ na tungkulin ng pamahalaan na pagtibayin ang pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan at sa mahihirap na mamamayang apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 98,228 total reads

 98,228 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 192,256 total reads

 192,256 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 236,526 total reads

 236,526 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 259,633 total reads

 259,633 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 330,283 total reads

 330,283 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,568 total reads

 147,568 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top