Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,973 total reads

17th Sunday of Ordinary Time Cycle C

World Day of Grandparents and the Elderly

Fil-Mission Sunday

Gen 18:20-32 Col 2:12-14 Lk 11:1-13

Ang paksa ng ating mga pagbasa ngayon ay tungkol sa panalangin. Mahalaga ang panalangin. Hindi tayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan kung hindi tayo nagdarasal. Mahalaga ang dasal sa ating buhay na si Jesus mismo, ang anak ng Diyos ay nagdasal. Madalas si Jesus magdasal at mataimtim siyang manalangin na naakit ang mga alagad niya kaya humiling sila. “Panginoon, turuan mo naman kaming magdasal.” Tinuruan nga sila ni Jesus. Ibinigay sa kanila ang dasal na AMA NAMIN. Ito ang pinakamabisang at pinakakompletong dasal kasi galing ito sa Panginoon mismo. Sana ang lahat ng dasal natin ay tumutulad sa AMA NAMIN.

Ito ang mga katangian ng panalangin na ito. Ang pakikitungo natin sa Diyos ay anak na lumapalit sa kanyang Ama. Kaya ang tawag natin sa kanya ay Ama. Ang ating unang concern ay purihin at sambahin siya. Ang pahalagahan natin ay ang paghahari ng Diyos. Sinabi din ni Jesus sa isang pagkakataon na pagsikapan muna ninyong hanapin ang kaharian ng Diyos at ang lahat ay ibibigay sa inyo. Hihingi din tayo sa kanya ng materyal na bagay, bigyan mo kami ng aming makakain araw-araw. Pero sinabi din niya na ang tao ay hindi lang nabubuhay sa tinapay kundi sa bawat salita ng Diyos. Kaya ang ating hinihingi ay hindi lang na bigyan tayo ng pagkain araw-araw, kundi busugin din tayo ng kanyang salita araw-araw. Ang isang kailangan natin sa buhay na ito ay kapatawaran kasi tayo ay makasalanan. Pero ang patawad na hinihingi natin sa Ama ay may kaugnayan sa kapatawaran na binibigay din natin sa ating kapwa. Hindi natin matatanggap ang hindi rin natin handang ibahagi sa iba. Nagkakasala tayo dahil sa mga pagsubok sa buhay. Kaya hinihingi din natin na ilayo tayo sa tukso.
Sana po dinadasal natin nang palagi at nang taimtim ang AMA NAMIN. Galing ito kay Jesus mismo. Ituro din natin ito sa ating mga anak. Ito ay isang mabisang panalangin. Pero hindi lang tayo tinuruan ni Jesus kung ano ang dadasalin. Tinuruan din tayo paano magdasal. Magdasal tayo palagi, huwag magsawa, tulad ng tao sa talinhaga ni Jesus na hindi tumigil na humingi ng tinapay sa kanyang kaibigan sa kalagitnaan ng gabi. Kaya nga inaanyayahan tayong humingi, humanap, kumatok. Huwag magsawa, huwag tumigil. At bakit? Kasi may tiwala tayo na ang Diyos ay isang butihin at makapangyarihang Ama.

Higit na mabuti kaysa atin ang ating Ama sa langit. Kung tayo ay mapagbigay sa ating mga anak kung sila ay humingi, ano pa kaya ang Diyos? Ang lahat ng mga magulang dito ay gusto namang magbigay ng mga mabubuting bagay na hinihingi ng kanilang mga anak. Hindi lang natin ito nagagawa dahil sa madalas wala naman tayong pambigay, wala tayong pambili. Pero hindi ganyan ang ating mahal na Ama. Walang imposible sa kanya. Makapangyarihan siya. Kung hindi niya naibibigay ang ating hinihingi, gusto lang niya na palalimin ang ating tiwala sa kanya. Baka hindi pa tayo handa sa kanyang ibibigay. O kaya hindi pa napapanahon ang kanyang ibibigay para sa ikabubuti natin; o kaya may mas mabuti pa siyang ibibigay. May tiwala ba tayo na mahal niya tayo at ang ating ikabubuti ang nasa puso niya?

Sa ating unang pagbasa pinakita sa atin kung gaano kamapagbigay ang Diyos. Papunta siya sa Sodoma at Gomora dahil ayon sa balita napakasama ang mga lunsod na ito. Gusto niyang tingnan kung ito ba ay totoo. Pinapakita dito na ang Diyos ay hindi basta-bastang kumikilos. Sinisigurado muna niya ang kalagayan. Noong malaman ni Abraham ang kanyang gagawin, nakiusap siya. Magandang balita ito. Puede naman palang pakiusapan ang Diyos. Iyan ang nangyayari kapag tayo ay nagdadasal. Ang pakiusap ni Abraham ay nakabase sa kanyang paniniwala na ang Diyos ay makatarungan. Hindi niya paparusahan ang mabuti kasama ng masama. Papatayin ba niya ang limampung mabubuti kasama ng buong lunsod na masasamang tao? Pero iba ang katarungan ng Diyos. Hindi lang na hindi niya idadamay ang mabuti sa pagparusa ng masama, dahil limampung taong mabubuti ay ililigtas ang lahat ng masama. Ang kaunting mabuti ay magliligtas sa maraming masasama. Kaya huwag tayo magpadala sa kasamaan ng karamihan. Manatili tayong mabuti. Hindi lang sa hindi tayo isasama sa parusa ng karamihan. Ang kabutihan natin ay maaaring maging dahilan na hindi mapaparusahan ang iba.
Pero hindi nakontento si Abraham sa limampu lamang. Tumawad siya. Ano kung kulang ng lima, apatnapu’t lima lang ang mabuti? Ano kung apatnapu lang? Ano kung tatlumpu? Ano kung dalawampu lamang? Ano kung sampu lang. Matapang si Abraham na tumawad, at sa bawat tawad niya pinagbigyan siya ng Diyos. Ang mali ni Abraham ay tumigil siya sa sampu. Akala na may sampung mabubuting tao naman yata sa buong lunsod. Walang sampu! Apat lang! Si Lot, ang kanyang asawa at ang kanyang dalawang anak na babae lamang. Sinira ang lunsod pero pinatakas muna ang apat. Hindi sila pinatay kasama ng iba.

Pero sa totoo lang, tayong lahat, ang buong mundo ay naligtas dahil sa ISANG tao lang na matuwid – si Jesus. Siya ang nagbayad ng lahat nating kasamaan. Ganyan ang mapagbigay na Diyos. Ganyan din ang kapangyarihan ng kabutihan, natatalo niya ang lahat ng kasamaan.

Sa kwentong ito pinapakita sa atin na huwag tayong magbigay ng limitasyon sa ating pagdarasal, sa ating paghingi ng tulong. Mapagbigay ang Diyos. Hindi natin matarok ang kanyang kabutihan! Magdasal tayo. Magdasal tayo nang may pananalig. Magdasal tayo nang palagi at walang sawa. Makapangyarihan ang dasal.

Ipakita natin na naniniwala tayo sa kapangyarihan ng dasal. Ngayon po ay ang FIL-MISSION SUNDAY. Ituon natin ang ating pansin sa mga Pilipinong misyonero sa buong mundo. Noon, tayo ang tumatanggap ng mga misyonero mula sa ibang bansa. Ngayon, tayo na ang nagpapadala. Binabahagi na natin ang Magandang Balita na ating natanggap. May second collection tayo para suportahan ang mga Pilipinong Misyonero natin. Pero sa misang ito, atin silang ipagdasal. Malaki ang maitutulong ng ating panalangin sa kanilang gawain.

Ngayong Linggo din ay World Day of Grandparents and the Elderly. Ipinapaalaala sa atin ang kahalagahan ng mga matatanda sa ating mga pamilya at sa ating lipunan. Sana po hindi sila mawalan ng pag-asa at ng pagkalinga ng pamilya nila. Bilang mga Pilipino, pahalagahan at arugain natin ang ating mga matatanda. Madalas ang kailangan lang nila ay pansinin sila, dalawin sila at pahalagahan. Biyaya sila ng Diyos sa atin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 120,898 total reads

 120,898 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,227 total reads

 154,227 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,371 total reads

 186,371 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,434 total reads

 252,434 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 263,923 total reads

 263,923 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily September 20 2026

 13,577 total reads

 13,577 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »

Homily September 13, 2026

 12,253 total reads

 12,253 total reads 24th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Catechetical Day Sir 27:30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35 Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang

Read More »

Homily September 6, 2026

 18,167 total reads

 18,167 total reads 23rd Sunday in Ordinary Time Cycle A Ez 33:7-7 Rom 13:8-10 Mt 18:14-20 Huwag kayong magkaroon ng anumang utang kanino man liban sa

Read More »

Homily August 30, 2026

 29,100 total reads

 29,100 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »
Scroll to Top