Mga Simbahan, evacuation centers ng mga nasalanta ng Bagyong Lawin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total views

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Archdiocese of Tuguegarao sa Cagayan sa mga lokal na pamahalaan para sa assessment ng danyos na iniwan ng bagyong Lawin doon.

Ayon kay Social Action Center director Rev. Fr. Augustus Calubaquib, ito ay upang malaman nila ang bilang ng mga naapektuhan para na rin sa panawagan ng tulong.

Sinabi pa ng pari na sa initial assessment naman ng SAC, 70-80 porsiyento ng mga bahay ang nasira sa Tuguegarao City lamang.

Dagdag ni Fr. Calubaquib, nasa 1, 000 pamilya naman ang inilikas na ang ilan nanuluyan sa mga Simbahan na nagsilbing evacuation centers bago at sa kasagsagan ng bagyo subalit ngayon ay nagsibalikan na sa kani-kanilang mga bahay.

“Ang initial assessment ng SAC ng Tuguegarao City, 70-80 percent ng kabahayan natin ang damages sa City lang. Sa parish ko lang covering 16 barangay, may 1,000 pamilya ang lumikas pero ngayon nagsibalikan na sila sa kanilang mga bahay,” pahayag ni Fr. Calubaquib sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag pa ng pari, maganda na ang panahon ngayon sa Tuguegarao at sumikat na rin ang araw.

Sa pananalasa ng Bagyong Lawin, walo ang nasawi habang mahigit isang daan at apat na libong indibidwal, o mahigit 20 libong pamilya ang naapektuhan mula sa 461 barangays sa bansa sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa mahigit 40 libo limang daang pamilya ang nasa 331 na evacuation centers.

Patuloy namang nangangalap ng impormasyon ang ibat-ibang institusyon kabilang na ang Simbahang Katolika na handa ng tumulong sa mga nasalanta na may paunang tulong na pagbubukas ng mga simbahan bilang evacuation centers at pamamahagi ng relief items.

Si Lawin ang pang 12 bagyo na pinakamalakas ngayong taon na ayon naman sa mga taga Northern Luzon, ito ang pinakamalakas na naranasan nila sa kanilang buong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 62,037 total views

 62,037 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 62,037 total views

 62,037 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 62,037 total views

 62,037 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 60,133 total views

 60,133 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 54,898 total views

 54,898 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 194,825 total views

 194,825 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top