Pilipinas, napapanahon nang magkaroon ng malayang polisiya

SHARE THE TRUTH

 193 total views

Pagkakataon na ng Pilipinas na magkaroon ng malayang polisiya sa dayuhang kalakalan. Ito ang inihayag ni Asian Institute on Management (AIM) Assistant Finance adviser Prof. Gary Olivar matapos na ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas nito sa Amerika.

Sinabi ni Olivar na kailangan itong patunayan ng Pangulo lalo’t noong nakaraang administrasyon ay dumipende na halos sa Amerika at umabot na rin sa puntong naisasakripisyo na ang soberanya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatatag ng ugnayan sa karatig rehiyon sa Asya tulad ng China.

“Nagpapahiwatig siya na magkakaroon tayo ng more independent foreign policy. Ngayon ang pinakamaganda niyang gawin at sabihin kaugnay nito ay magpatunay na yung characteristics ng ating dating foreign policy ay yung masyadong dependent tayo sa Amerika. Yun po yung una niyang kailangan tanggalin at baklasin upang simula ng maging independent ang patakaran natin sa abroad. Lalong – lalo na kailangan niyang kumbinsihin ang mga Chinese na sinsiro siya sa ganitong objective,” pahayag ni Prof. Olivar sa panayam ng Veritas Patrol.

Ipinaliwanag ng ekonomista na matatag na ang pakikipag kalakalan ng bansa sa Tsina lalo’t nakahingi na ng $13 bilyong dolyar na puhunan para sa pag-angkat ng produktong lokal ng bansa.

“Alam naman po natin na ang China na ang pinakamalaki nating partner sa investment, sa trading at sa financing. On investment side $13 billion dollars na ang hiningi ni Pangulo mula sa kanila. On the financing side magtatayo na po ang China ng tinatawag nilang Asian Construction Investment mas malalapitan po natin sila sa pangangailangan natin. And all the same alam naman natin marami pong ina-angkat mula sa China at marami tayong ipinapadala sa China,” giit pa ni Prof. Olivar sa Radyo Veritas.

Gayunman, nauna na ring sinabi ng ilang dalubhasa ang pangunahing pakay ng US sa Asya-Pasipiko ay ang pagpoprotekta sa South China Sea kung saan dumadaan ang 55 porsiyento ng lahat ng trade vessels sa buong mundo.

Nauna na ring binanggit ng kanyang Kabanalan Francisco na mahalagang pahalagahan ng mga bansa ang kanilang pakikipag dayalogo sa mga karatig rehiyon para sa kabutihang pangkalahatan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,406 total views

 81,406 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,410 total views

 92,410 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,215 total views

 100,215 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,414 total views

 113,414 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 124,832 total views

 124,832 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 94,510 total views

 94,510 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 90,421 total views

 90,421 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top