Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Migrants, nagpapayabong ng pananampalatayang Katoliko sa Asya

SHARE THE TRUTH

 710 total views

Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines migrants’ ministry na higit yumabong ang pananampalataya sa Asya lalo na sa Pilipinas dahil sa mga migrante.

Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa nagpapatuloy na pagtitipon ng Federation of Asian Bishops’ Conference sa Thailand.

Ayon sa obispo bagamat mga dayuhang misyonero ang nagpalaganap ng kristiyanismo sa Asya ipinagpapatuloy ito ng mga Asyano sa pamamagitan ng mga migrante sa iba’t ibang lugar sa mundo.

“Catholic faith of Asia was sowed and spread by early foreign missionaries. Through their sacrifices even to the point of martyrdom and services, we are what we are now. The Catholic faith which we lived is now being preached and practiced by our MIGRANTS in those countries which before have sent to us their heroic missionaries. We can say now that our MIGRANTS are our missionaries and messengers of the Gospel to especially to Middle East and Europe,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batid ng opisyal na karamihang mamamayan sa Asya ang nangingibang bayan para sa ikabubuti ng pamilya kabilang na ang sampung milyong Overseas Filipinos na nagpamalas ng kakayahan sa iba’t ibang larangan sa buong mundo.

“Migration is a reality and trend in Asia. Our migrants are builders of the infrastructures in the Middle East, and they fill up the Churches in Europe. Much attention for their protection, promotion of their rights and preservation of their natural customs should be given much priority and action,” ani Bishop Santos.

Sa ikalawang linggo ng pagtitipon ng asian bishops tinatalakay ang paksang ’emerging realities in Asia’ kung saan ibinabahagi ng mga laykong lingkod mula sa 29 na mga bansang kasapi ng FABC ang kanilang karanasan sa paglilingkod sa iba’t ibang ministries ng simbahan.

Naniniwala si Bishop Santos na dapat gabayan ng simbahan lalo na ang mga kabataan na mabisang katuwang ng simbahan sa pagmimisyon lalo na sa ‘digital age’ upang maisakatuparan ang hangarin ng simbahang ipalaganap ang katotohanan sa pamayanan.

“Asia is young people. They are for us the hands of God, our efficient and effective companions in the Church. With their immense knowledge on social communications, they are for us the voice of God. We should always accompany them, guiding them to right and moral path, and guarding them from deafening noises of false news, materialism and fame,” giit ng obispo.

Ang dalawang linggon pagtitipon ng mga lider ng simbahan sa Asya ay bahagi ng pagdiriwang sa ika – 50 anibersaryo ng FABC na unang itinatag sa Pilipinas noong 1970 sa pagdalawa ni St. Paul VI.

Nakatuon ang talakayan ng mga obispo sa kalagayan ng simbahan sa Asya batay na rin sa isinagawang syodality na isinusulong ng Santo Papa Francisco noong October 2021.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 5,968 total views

 5,968 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 17,451 total views

 17,451 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 33,140 total views

 33,140 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 33,934 total views

 33,934 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 43,849 total views

 43,849 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 2,439 total views

 2,439 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top