Mamamahayag, kinilala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,143 total reads

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga nasa media ministry ng simbahang katolika.

Sa pagdiriwang ng World Communications Day pinuri ng obispo ang masigasig na paglilingkod ng mga journalists, broadcasters, digital content creators, social media managers, Church communication officers, at iba pang may kahalintulad na gawain.
Batid ni Bishop Santos ang malaking tungkuling ginagampanan ng mga mamamahayag at mga nasa media ministry upang ipahayag ang katotohanan sa lipunan lalo na sa kasalukuyang panahon na laganap ang fake news.

“Your role, considered a ministry, carries exceptional weight in these times. You are more than mere transmitters of information; you are bridges of understanding, bearers of hope, and cultivators of communion in a world often broken by misunderstanding and division,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Aminado rin ang opisyal na nahaharap sa matinding hamon ang sektor ng pamamahayag tulad ng pressure sa mga instant news lalo sa social media, ang masalimuot na samu’t saring media platforms at ang pananagutang pagnilayan ang katotohanan sa mga impormasyong nararapat ibahagi sa publiko.
Paalala ni Bishop Santos sa mga manggagawa sa media kabilang na ang mga media ministers sa mga simbahan na sagrado ang kanilang gawain at maituturing na pakikiisa sa misyon ni Hesus na palaganapin ang katotohanan sa pamayanan. “In the Church, your work extends the reach of the Gospel beyond our sanctuary walls, bringing Christ’s message of love and redemption to screens and devices worldwide. In the secular world, your commitment to truth and ethical reporting helps build a more informed and just society,” dagdag pa ni Bishop Santos.
Dalangin ni Bishop Santos sa Panginoon ang kaliwanagan ng isip at karunungan ng mga media personel upang patuloy na manindigan sa pagbabahagi ng katotohanan, labanan ang anumang uri ng sensationalism, at maging daan sa pagsusulong ng higit na pang-unawa sa mamamayan.
“I pray that this day renews your sense of purpose and mission. May you find joy in your calling to be communicators of truth, and may the Holy Spirit continue to inspire your creative endeavors in service of human dignity and divine truth,” ani Bishop Santos.
Ngayong taon ipagdiriwang ang 59th World Communications Day sa temang ‘Share with gentleness the hope that is in your hearts’.
Ipinagdiriwang ng simbahan ang World Communications Day isang linggo bago ang Pentekostes na itinatag ni St. Paul VI noong 1967 bilang paraan ng paghimok na sama-samang pagnilayan ang oportunidad at mga hamong kakaharapin sa pag-usbong ng mga makabagong paraan ng social communications.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 117,526 total reads

 117,526 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 151,660 total reads

 151,660 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 185,791 total reads

 185,791 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 242,195 total reads

 242,195 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top