Military officers, hindi qualified maging DAR secretary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 365 total views

Huwag opisyal ng militar ang italaga bilang bagong agrarian secretary.

Ito ang hiling ng dating kahilim ng Department of Agrarian Reform (DAR) Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ito’y sentimyento na marami sa ating mga magsasaka dahil sa dumadami ang mga dating opisyal militar na humahawak sa iba’t ibang departamento o ahensya ng ating gobyerno at ako’y nakikisa sa ganoong setimyento na kung mag-aappoint man si President Duterte kung sino ang magiging bagong secretary ng DAR, huwag naman sanang dating opisyal ng militar,” panawagan ni Mariano.

Umaasa si Mariano na hindi manggagaling sa militar ang ipapalit sa kanyang puwesto dahil makapagdudulot ito ng agam-agam sa mga magsasaka at pangamba na maaaring mawala ang kanilang karapatan sa kanilang mga lupa dahil sa militarisasyon.

“Maiintindihan ko ang ating mga magsasaka kung isaisip nila na mas titindi ba ang militarization sa mga land reform areas. Yung kanilang pangamba na ‘ang agrarian reform program implementation ay ibabalangkas na ngayon sa counter insurgency program sa halip na ang adbokasiya dapat ng DAR ay kung paapano maipapatupad ang isang tunay na repormang agraryo na talagang magtitiyak ng ganap na pagmamaya-ri sa lahat ng ating mga landless tillers,” pahayag ng dating kalihim sa Radyo Veritas.

Sa mahigit isang taong panunugkulan ni Mariano bilang DAR Secretary, humigit humigit kumulang sa 27-libong mga kaso ang nadesisyunan nito na karamihan ay may kinalaman sa Agrarian aw implementation habang umabot naman sa 300 ang titulo ang naipagkaloob ng departamento sa mga magsasaka.

Magugunitang noong ika-6 ng Setyembre nang ibasura ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Ka Paeng bilang Agrarian Secretary.

Kaugnay nito, si Mariano na ang ika-apat na miyembro ng gabinete ni Duterte na ni-reject ng komisyon matapos sina Perfecto Yasay, Gina Lopez, Judy Taguiwalo at bago si Paulyn Ulbial.

Una nang ipinaalala ng Kanyang Kabanalan Francisco na kasabay ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa ay mas napapangalagaan din dapat ang karapatan ng maliliit na tao lupang kanilang tinubuan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 89,410 total views

 89,410 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 89,410 total views

 89,410 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 89,410 total views

 89,410 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 86,715 total views

 86,715 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 79,192 total views

 79,192 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 196,987 total views

 196,987 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top