Mananampalataya, hinimok na ipagdasal ang kagalingan ni Cardinal Vidal.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total reads

Kinumpirma ni Dr. Rene Josef Bullecer- isa sa mga doctor ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal na nasa mabuti ng kondisyon ang Kanyang Kabunyian matapos na isugod sa ospital noong Miyerkules, ika-11 ng Oktubre dahil sa Cardiopulmonary Arrest bunsod ng Sepsis o massive infection in the blood.

Ayon kay Dr. Bullecer, agad na isinugod ang Cardinal sa Perpetual Succour Hospital noong Miyerkules ng madaling araw dahil sa mataas na lagnat at hirap sa paghinga.

“Cardinal Vidal now on a stable condition but still in the ICU. after he was rushed to the hospital early morning of Wednesday after complaining of mild fever and breathing difficulties. He nearly suffered cardiopulmonary arrest due to infections in the blood…” pahayag ni Bullecer sa Radyo Veritas.

Tiniyak ni Dr. Bullecer na nasa mas maayos ng konsdisyon ang Cardinal na nagkaroon na muli ng malay matapos na maging kritikal mula ng isugod sa ospital noong Miyerkules ng madaling araw.

Sa kabila nito, nananatili pa rin si Cardinal Vidal sa intensive care unit (ICU) habang patuloy na binabantayan ang kalagayan.

“he just passed the most crucial stage, though still in the ICU but we have signs of improvements compared to yesterday wherein he was completely unresponsive…” Dagdag pa ni Bullecer.

Si Cardinal Vidal ay 86 na taong gulang na sa kasalukuyan at una na ring nakaranas ng mild stroke noong September 2013 at maka-ilang beses ring nagpabalik-balik ng ospital dahil sa Pneumonia noong 2014.

Kaugnay nito, umapela ng panalangin si Dr. Bullecer para sa mas mabilis na paggaling ni Cardinal Vidal.

Si Cardinal Vidal ay nagsilbi bilang Arsobispo ng Cebu sa loob ng 29 na taon bago siya nagretiro noong 2011 at napiling manatili sa Sto. Niño Village sa Cebu City.

Si Cardinal Vidal rin ang isa sa apat na kasalukuyang Cardinal ng Pilipinas bukod pa kina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, and Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 34,875 total reads

 34,875 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 70,820 total reads

 70,820 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 297,090 total reads

 297,090 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 190,558 total reads

 190,558 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 282,732 total reads

 282,732 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top