Military Ordinariate, nagpahayag ng suporta sa bagong PNP Chief

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,961 total views

Ipinahayag ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio ang kanyang taos-pusong pagbati at buong suporta sa bagong itinalagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Police General Nicolas Torre III.

Ayon kay Bishop Florencio, kaisa siya at ang mga chaplain ng PNP sa pamumuno ni Gen. Torre, at handang sumuporta sa bagong PNP Chief sa pamamagitan ng panalangin at espiritwal na gabay.

Dagdag pa ng Obispo, mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na moral at ispiritwal na pundasyon sa hanay ng mga pulis, lalo na sa gitna ng mga hamon sa pagpapatupad ng batas at paglilingkod sa sambayanan.

“To our new PNP Chief, Maj. Gen. Nicolas Torre III, our heartfelt congratulations to your new appointment as Chief PNP. The PNP chaplains and myself, the Bishop of the Military Ordinariate, rally behind your leadership. We shall support you through our prayers. May God keep you always in His loving embrace. Our snappy salute, Sir,” ayon sa mensaheng ipinadala ng obispo sa Radyo Veritas.

Binanggit din ni Bishop Florencio ang kahalagahan ng pagkakaisa ng Simbahan at ng PNP upang mapanatili ang disiplina, integridad, at malasakit sa kapwa sa loob ng organisasyon.

Tiniyak niya na ang pamunuan ng Military Ordinariate ay laging handang tumulong upang mapanatili ang matibay na ugnayan sa pagitan ng pananampalataya at serbisyo publiko.

Ipinaabot din ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbati kay Torre sa pagkakatalaga bilang pinuno ng PNP.

Sinabi ni Romualdez na sa kabila ng matinding pagsubaybay ng publiko at political pressure ay nanatiling matatag si Torre sa pagpapatupad ng batas at pagsasagawa ng mga sensitibong operasyon.

“General Torre’s steady hand in critical situations shows he is not only unafraid to act, but also committed to doing so within the bounds of the law. That kind of leadership is rare, and exactly what the police force needs today,” ayon kay Speaker Romualdez.

Si Torre ay itinalaga bilang bagong hepe ng PNP noong Mayo 29, 2025, at inaasahang opisyal na magsisimula sa kanyang tungkulin sa Hunyo 2, 2025, kapalit ni Gen. Rommel Marbil na magreretiro sa Hunyo 7, 2025.

Ang bagong hepe ng PNP ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1993, ay dati nang humawak ng mga mahahalagang posisyon sa PNP gaya ng pagiging district director ng Quezon City Police District at regional operations head ng National Capital Region Police Office.

Matatandaang si Torre, bilang direktor ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nanguna sa operasyon para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ, na nahaharap sa mga kasong human trafficking at sexual abuse.

Pinangunahan din ng heneral, ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 23,479 total views

 23,479 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 44,460 total views

 44,460 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 66,888 total views

 66,888 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 240,218 total views

 240,218 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 216,188 total views

 216,188 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top