Mining industry, kakarampot lang ang trabahong nilikha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 407 total reads

Hindi kumbinsido si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity, sa pahayag ng Chamber of Mines of the Philippines na marami itong nalikhang trabaho para sa mahihirap.

Ayon sa Obispo, contractual din ang ibinibigay na trabaho ng mga kumpanya ng minahan at hindi naman ito nakapagbibigay ng permanenteng hanap buhay sa mga mahihirap na nasa komunidad na mayroong mina.

Dagdag pa nito, kakaunti ang trabahong nalikha mula sa mining industry at hindi lahat ng pinapangakuan ng hanapbuhay sa mga komunidad ay nabibigyan dahil iilan lamang ang nakikinabang.

“Sa ganyang sinasabi nila palaging sinasabi marami ang mawawalan, samantalang kokonti lang naman ang mawawalan ng trabaho at pwedeng hanapan ng paraan upang mabigyan ng trabaho, kesa masira ang kalikasan natin, at ang palaging pang-aakit nila na magbibigay ng trabaho kokonti lang naman ang mga ibinibigay.” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Samantala, una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito pababayaan ang mga manggagawang mawawalan ng hanapbuhay sa pagpapasara ng mga minahan.

Ayon sa pagsusuri ng pamahalaan, 234,000 trabaho lamang ang nalikha ng mining industry kumpara sa 4.7 milyong trabaho na naipagkaloob ng turismo simula noong 2004.

Dahil dito, humingi ng palugit si DENR secretary Gina Lopez na bigyan siya ng isa’t kalahati hanggang dalawang taon at patutunayan nitong mapabubuti ng livelihood programs ng ahensiya ang kabuhayan ng mga mahihirap nang hindi na masasakripisyo ang kapaligiran.

Patuloy na naninindigan ang mga lider ng Simbahang Katolika na tama ang desisyon ng DENR na kanselahin ang mga mining permits at ipasara ang mga minahan na lumalabag sa mga environmental law.

Read: http://www.veritas846.ph/kanselasyon-ng-mining-permitskinatigan-ng-mga-social-action-center-ng-simbahan/

Ayon sa Social Doctrine of the Church, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangan na ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan o kapahamakan sa kalusugan at buhay ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 22,060 total reads

 22,060 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 56,280 total reads

 56,280 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,762 total reads

 92,762 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 110,974 total reads

 110,974 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 194,131 total reads

 194,131 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,709 total reads

 378,709 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top