80,443 total views
Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon.
Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino.
Ngunit sa kabila ng banta ng climate change at deklarasyon ng climate emergency ay patuloy pa rin ang environmental degradation sa buong bansa kapalit ng hinahangad na kita.
Tayong mamamayan lalu na ang mga lider ng pamahalaan ay nakalimutan na ang matinding pinsala ng pananalasa ng supertyphoon Yolanda sa buong bansa noong ika-11 ng Nobyembre 2013 na sumira sa bilyun-bilyong pisong ari-arian, imprastraktura, kabuhayan at ikinasawi ng mahigit sa 6,000 Pilipino..Sa pananalasa ng bagyong Kristine noong ika-23 ng Oktubre 2024, 150 katao ang nasawi, 30 ang missing habang milyun-milyong piso din ang pinsalang iniwan ng bagyo. .13 ang nasawi habang 1.3-milyong Pilipino ang apektado sa hagupit ng supertyphoon Carina noong July 2024… Hindi pa rin tayo natututo.
Sa naranasan nating matinding kalamidad sa bansa, ang pagmimina ay isa sa mga pangunahing dahilan ng environmental degradation na sumisira sa mga kabundukan, kabuhayan at nagdudulot ng health hazards sa mamamayan…sinisira din nito ang pinagkukunan ng malinis na inumin.
Nabatid sa records ng Mines Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources mayroong 59-operating metallic mines(gold,copper,nickel,iron,chromite): 61-naman ang non-metallic mines(limestone,shale quarries,marble limestone,silica quarries,basalt/aggregates quarries,clay quarries,sand at gravel,volcanic tuff).
58 naman ang idineklarang minahang bayan habang 5,691 ang binigyan ng permits ng Local Government Units sa buong bansa..
Alam mo ba Kapanalig? , sa dami ng minahan sa Pilipinas ay 0.5-percent o katumbas ng 1.6-bilyong piso ang kontribusyon ng mining industry sa Growth Domestic Product (GDP) ng bansa sa nakalipas na taong 2023.
Kapanalig, noong June 30, 2010 ay inilatag ng Radio Veritas 846 kay dating Pangulong Benigno Aguino Noynoy Aquino ang 13-point advocacies na maging guidance nito para sa moral at social transformation ng bansa partikular ng mga mahihirap…Kasama sa 13-point advocacies ang mahigpit na paninindigan ng simbahang katolika sa Pilipinas sa mining (NO to MINING).
Sa encyclical letter na “Laudato Si” ni Pope Francis, pinapahalagahan ang “understanding not only the value the Catholic Church places on care for our common home – the environment – but on “how inseparable the bond is between concern for nature, justice for the poor, commitment to society, and interior peace” (Laudato Si’, n. 10). This connection between humans and the environment is understood as “integral ecology”. Pope Francis reminds us that, “we are not faced with two separate crises, one environmental and the other social, but rather one complex crisis which is both social and environmental” (Laudato Si’, n. 139).
Sumainyo ang Katotohanan.