Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,420 total reads

Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Binigyang diin ni Archbishop Palma na bagamat lahat ng binyagan ay tinawag sa pagmimisyon bilang mga lingkod ng simbahan, iilan lamang ang nakatutugon sapagkat ito ang mga pinili ng Diyos sa natatanging misyon na ipapastol ang kawan ng Panginoon.

“The gift of vocation is a beautiful gift, but it may be lost if we don’t care enough. Every morning, if you can, renew your gratitude to the Lord for the gift of priesthood, of being called and chosen,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Kasabay ng pagdiriwang ng National Vocation Month pinaalalahanan ng arsobispo ang mga pari na dapat maranasan ang kasiyahang dulot ng paglilingkod sa Panginoon.

Batid ni Archbishop Palma na bilang tao ay nakararanas ng kalungkutan ang mga pari subalit iginiit nitong laging kasama si Hesus sa lahat ng pagkakataon at gumagabay sa mga gawaing pagpapastol.

“We have to immerse ourselves into that feeling of being alone and eventually knowing that we are not alone. Jesus is there. He is with us,” ani ng arsobispo.

Pinangasiwaan ni Augustinian missionary Fr. Leo Mario Singco ang Young Clergy of Cebu Residency Program na sinimulan noong November 4 at magtatapos sa November 8 kung saan pinagnilayan ang temang ‘Embracing the Journey Within in Solidarity with Fellow Clergy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,180 total reads

 56,180 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 94,537 total reads

 94,537 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 128,665 total reads

 128,665 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,071 total reads

 185,071 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top