5,325 total views
Kinilala ng International Labor Organization (ILO) ang pagratipika ng pamahalaan ng Pilipinas sa ILO Convention 81 (ILO C81).
Pinuri ni ILO Director General Gilbert Houngbo ang pakikiisa ng Pilipinas sa mga polisiyang makakatulong sa kaligtasan ng mga manggagawa.
Tiwala ang ILO na mapapangalagaan ng ILO-C81 ang kaligtasan ng mga manggagawa sa industrial sector ng Pilipinas.
Bahagi ng polisiya ang regular na inspection sa mga lugar ng paggawa upang matiyak at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga manggagawa.
“I am very pleased to welcome the Philippines as the 151st member State to ratify Convention No. 81. This Convention plays a pivotal role in ensuring decent work through rigorous enforcement of national laws related to working conditions.,” Ayon sa mensahe ni Houngbo na ipinadala ng ILO-Philippines sa Radio Veritas.
Bukod sa kaligatasan, titiyakin ng mga inspeksyon na napapangalagaan ang kalusugan ng mga manggagawa at napapatupad ng mga employers ang wastong oras ng trabaho.
Patuloy na panawagan ni Pope Francis sa mga employer na tiyakin ang ligtas na kalagayan ng mga manggagawa sa trabaho.