“Missio Ad Gentes”,hamon na ibahagi ang mabuting balita sa hindi Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 763 total views

Malaki ang misyon na iniwan ni Hesus para sa mga Kristiyano.

Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa panibagong paksa ng paghahanda ng Simbahang Katolika para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, ang “Year of Missio Ad Gentes” na paksa ng huling taong paghahanda para sa ika-limang sentenaryo ng Kristiyanismo ay isang paalala sa misyon bilang Kristiyano ng mga Filipino na palaganapin at ibahagi ang Kristyanismo sa mga hindi pa Kristiyano.

“Sinisimulan na po natin ngayon ang Year of Missio Ad Gentes, ito po’y ika-huling taon ng siyam na taong ating paghahanda sa 500 years of Christianity sa Pilipinas. Kaya ito pong Missio Ad Gentes ay nagpapaalala-ala sa atin ng misyon natin sa Pilipinas na ipaabot natin ang pagka-Kristyano sa ibang mga bansa. Ang ibig sabihin ng Ad Gentes ay sa mga hindi pa Kristyano at tayo po ay napapaikutan ng maraming mga bansa na hindi pa Kristyano…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni Bishop Pabillo na sa pitong (7)bilyong tao sa buong mundo ay tanging dalawang (2) bilyon pa lamang ang mga Kristiyano.

Sinabi ng Obispo na ito ay malaking hamon na mas higit na paigtingin ng mga Kristiyano ang misyon na palaganapin ang Kristiyanismo at Salita ng Diyos sa mga hindi pa nanampalataya.

“Sa ating mundo ngayon sa pitong bilyon na mga tao sa mundo dalawang bilyon lang ang Kristyano, limang bilyon pa ang hindi Kristyano kaya malaki pa ang misyon na iniwan sa atin ni Hesus kasi sinabi ni Hesus sa atin, ipalaganap ninyo sa buong mundo ang pananampalatayang ito, ang kaligtasan ni Hesus ay para sa lahat, sana naman maabot din sila ng balita ng kaligtasan…” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.



Binigyang diin naman ng Obispo na mahalaga ang suporta at panalangin ng lahat upang higit na mas maging epektibo ang pagsusumikap ng mga misyunero na ipalaganap ang Mabuting Balita ng Diyos para sa sangkatauhan.

Umaasa din si Bishop Pabillo na dumami pa ang mga kabataan na maging misyunero at pagtuunan ng pansin ang pagbabahagi ng biyaya ng pananampalataya at kaligtasan para sa kapwa.

“sana yung mga kabataan natin hikayatin natin na maging misyunero. We are gifted ng pananampalataya in order to give, in order to share with the others…” Ayon pa kay Bishop Pabillo.

Tema ng Year of Missio Ad Gentes ang ‘Gifted to Give’ na naaangkop na paksa upang higit na maihanda ang mga mananampalataya sa paggunita ng ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Taong 2013 nang sinimulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang siyam na taong ‘spiritual journey’ o paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t-ibang paksa na nakabatay sa mga aspekto ng Kristyanismo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 86,901 total views

 86,901 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 109,011 total views

 109,011 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 183,925 total views

 183,925 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 181,368 total views

 181,368 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top